Alden may lucky charm tuwing New Year, buong taon sinuswerte | Bandera

Alden may lucky charm tuwing New Year, buong taon sinuswerte

Cristy Fermin - January 02, 2019 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

TAMA  ang ginagawang pagtatrabaho ni Alden Richards tuwing naghihiwalay na ang taon. Sa kaugaliang Pinoy ay kailangang kumikilos tayo kapag sinasalubong ang Bagong Taon.

Kailangan ding meron agad tayong naisusubi sa pagpasok ng panibagong taon para maging masagana at progresibo ang buong taon na ating haharapin.

Si Alden Richards ang pambatong personalidad ng GMA 7 sa kanilang countdown. Nagbakasyon ang Pambansang Bae nang dalawang linggo sa Japan kasama ang kanyang pamilya pero siniguro niya na nandito na siya nang December 31 para sa taunang countdown ng kanyang pinagseserbisyuhang network.

Matibay ang kanyang paniniwala na kapag nagtatrabaho tayo sa pagsalubong ng panibagong taon ay magiging masuwerte tayo.

Apat na taon na niyang ginagawa ang countdown at totoo naman, masuwerte siya sa buong taon, hanggang ngayon ay nasa itaas pa rin ang kanyang popularidad sa kabila ng mga intriga.

Sana nga ay huwag pagbaguhin ng kanyang tagumpay si Alden Richards. Manatili sana siyang mapagkumbaba, mabait at matanaw ng utang na loob sa kanyang mga tagahanga, huwag sana niyang baguhin ang pagiging simple habang mas umaangat pa ang kanyang pangalan.

Isa si Alden Richards sa iilang sumikat na personalidad na hindi lumaki ang ulo. Hindi siya nalunod sa makasaysayang isang basong tubig.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending