NIYANIG ng magnitude 4.6 lindol ang Agusan del Sur ngayong araw.
Naramdaman ang lindol alas-12:19 ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Ang epicenter ng lindol ay 11 kilometro sa kanluran ng Prosperidad. May lalim itong 18 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity III sa Prosperidad.
Intensity II sa Bislig City; San Francisco, Agusan Del Sur; Barobo at Hinatuan, Surigao Del Sur; at Gingoog sa Misamis Oriental.
Intensity I naman sa Talacogon, Agusan Del Sur at Gingoog City, Misamis Oriental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.