ISINUKO ni Iloilo 1st District Rep. Richard Garin ang dalawa pang baril sa San Juan City Police Station.
Kabilang sa mga isinuko ni Garin sa pamamagitan ng kanyang political officer na si Jason Tabag ay ang Colt 5.56 mm rifle, apat na magazine na may mga bala, isang 9mm pistola at dalawa nitong magazine.
Nauna nang isinuko ni Garin ang siyam sa kanyang 11 baril, samantalang isinuko naman ng kanyang tatay na si Guimbal Mayor Oscar Garin ang limang baril.
Idineklarang nawawala ang tatlo sa mga baril.
Sinabi ng Philippine National Police na paso na ang tatlo sa mga baril ni Rep. Garin, samantalang lima naman sa mga baril ni Mayor Garin ang paso na ang lisensiya.
Isinuko ng mga Garin ang kanilang mga baril matapos ipag-utos ni PNP chief Director General Oscar Albayalde ang kanselasyon ng kanilang gun permit matapos ang umano’y insidente ng pambubugbog sa isang pulis.
“The two firearms will be under the custody of the San Juan City Police Station for safekeeping,” sabi ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.