Young hunk actor ligwak sa kontrobersyal na pelikula, maangas na, bobo pang umarte | Bandera

Young hunk actor ligwak sa kontrobersyal na pelikula, maangas na, bobo pang umarte

Cristy Fermin |December 31,2018
facebook
share this

Young hunk actor ligwak sa kontrobersyal na pelikula, maangas na, bobo pang umarte

Cristy Fermin - December 31, 2018 - 12:15 AM


DAPAT pala ay kasama ang isang young hunk actor sa isang pelikulang pinag-uusapan ngayon pero naudlot ‘yun dahil may mga kumontra sa kanya sa produksiyon.

Nu’ng pinipili pa lang ng production staff kung sinu-sino ang mga artistang ika-cast nila ay maraming pangalang lumutang. Kasama du’n ang pangalan ng young hunk actor.

Kuwento ng isang source na maraming alam tungkol sa pangyayari, “Natural, isa-isang binabalanse ng production staff ang bawat pangalang pumapasok sa casting. May sumasang-ayon, may kumokontra, pero sa bandang huli, kung sino ang mas pi-naboran ng mas nakararami, pasok ang name ng artista sa pilian.

“Palaging ganu’n ang process, survival of the fittest ang labanan. Pero nu’ng ang pa-ngalan na ni ____ (name ng young hunk actor) ang binanggit ng isang staff, parang wala silang narinig.

“Deadma lang ang mga nandu’n, parang ayaw na nilang pag-aralang mabuti kung babagay nga ba siya sa movie. Parang walang nagkaroon ng interest sa young hunk actor,” simulang chika ng aming source.

Maraming dahilang lumutang kung bakit parang walang sumang-ayon na mapasama siya sa pelikula. May kani-kanyang katwiran ang mga nandu’n sa meeting.

Balik-chika ng aming source, “May umiling kaagad. Parang pagkarinig pa lang niya sa name ng male personality, e, wala na siyang keber.

“May isang nagsabi na nakatrabaho na niya ang young hunk actor at wala siyang masasabing good points tungkol sa lalaking ‘yun na nagpahirap kuno sa kanila dahil napakabanong umarte.

“Pero mas matindi ang naging reaction ng isang nandu’n, may kataliman, nakasama na rin pala niya sa isang project ang young hunk actor.

“Unprofessional daw ang male personality, masyadong feeling-sikat, pinaghihintay niya sa set ang mga katrabaho niya dahil naglalagare daw siya sa movie at sa seryeng ginagawa niya.

“Kapag dumarating kuno ang young hunk actor, instead na manghingi siya ng sorry dahil late na siya, e, parang siya pa ang may ganang magmalaki.

“At sumasagot pala sa assistant director ang mokong, bumubulung-bulong, kapag napagsasabihan siya na kailangang ulitin ang take dahil hindi niya nakuha ang tamang emotion.

“Ayun, hindi tuloy siya napasama sa movie, binura ang name niya, walang umokey na makasama siya sa casting. Hindi na nga naman siya marunong umarte, e, may pagkamaldito pa siya?

“May kapangalan siyang mga male stars, magkakaiba lang ang spelling ng names nila. ‘Yun ang napala niya!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ang tanong, ano ba ang tawag sa bahay na tinitirhan ng mga madre.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending