Healthy ka ba nitong 2018? | Bandera

Healthy ka ba nitong 2018?

Leifbilly Begas - December 31, 2018 - 06:00 AM

NAGING healthy ka ba nitong 2018 o naging masasakitin?

Ayon sa datos ng Department of Health, maraming Pinoy pa rin ang nagkasakit sa nakalipas na taon at marami rin ang namatay.

HIV/AIDS

Ngayong taon, 32 katao ang nahahawa ng HIV kada araw. Mas mataas ito sa 22 kaso kada araw noong 2015; 13 katao kada araw noong 2013; pitong tao kada araw noong 2011 at dalawa kada araw noong 2009.

Mula Enero hanggang Oktubre, 9,605 ang nahawa ng HIV.

Sa mga ito 9,082 ang lalaki at 523 ang babae.

Umabot naman sa 488 ang namatay sa AIDS sa unang 10 buwan ng taon.

Tigdas

May napaulat na 13,258 kaso ng measles noong 2018. Sa naturang bilang 6,998 kaso lamang ang nakuhanan ng specimen.

Ang nagpositibo naman sa pagsusuri ng laboratoryo ay 2,338 kung saan 30 sa kanila ang namatay. Ang mga namatay ay nasa edad 3 buwan hanggang 24 taong gulang.

Mas mataas ito sa 81 kaso na naitala sa unang walong buwan ng 2017 kung saan isa ang namatay.
Sa mga nagpositibo noong 2018, 1,260 ang lalaki.

Sa mga nagpositibo, 1,662 ang hindi nabakunahan ng anti-tigdas vaccine. May nagpabakuna na trinamaan din pero hindi nakumpleto ang dosage.


Neonatal Tetanus

May 39 kumpiradong kaso at 23 ang namatay.

Noong 2017, 60 ang napaulat na kaso at 38 ang namatay.

Sa naturang bilang 28 ang lalaki ay 11 ang babae. Ang kanilang edad 3-24 na araw.

Sa 39 kaso, 35 ang ipinanganak sa bahay, 2 sa ospital/lying-in/clinic, 1 sa kalsada at 1 sa tricycle.


Dengue

Umabot sa 69,088 kaso ng Dengue ang naitala sa unang pitong buwan ng 2018. Mas mababa ito sa 65,879 kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

Sa naturang panahon 366 ang namatay noong 2018 mas mataas sa 355 na naitala noong 2017.

Sa mga kaso noong 2018, 36,617 ang lalaki at 32,471 ang babae.

Leptospirosis

May naitalang 1,467 napaulat na kaso ng Leptospirosis noong 2018 at 153 sa mga ito ang namatay. Mas mataas ito sa 834 kaso na naitala noong 2017 kung saan 90 ang nasawi.

Nasa 1,237 kaso ay lalaki at 230 ang babae.

Ang Leptospirosis ay sakit na nakukuha mula sa ihe ng daga.

Rabies

May walong kumpirmadong kaso ng rabies na naitala ang DoH mas mataas ito sa isang kaso na naitala noong 2017.

Mayroon namang 132 probable cases noong 2018, mas mababa sa 251 kaso noong 2017.

Sa mga kaso, 92 porsyento ay mula sa aso at 3 porsyento sa pusa.

Sinasabing73 porsyento ng mga nakagat ay lalaki. Source: DOH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending