BISPERAS ng Bagong Taon at siguradong pawang mga matataba, maalat at matatamis na pagkain ang ihahain sa media noche.
Pero kung ang pakay ay para maging healthy ang papasok na taon, narito ang mga prutas na dapat ihain ngayong New Year’s Eve:
1.Saging
Mainam para sa may sakit sa puso at nag-e-ehersisyo dahil kargado ito ng potassium. Ok sa mga hindi makatulog at stressed. Nakakapagpa-relas ito dahil sa sangkap nitong tryptophan. Kailangan mo naman kumain ng dalawang saging kada araw para makaiwas sa sakit.
2. Mansanas
May taglay na vitamin C at anti-oxidants at dapat kainin kasama ang balat dahil sa pectin na nagtatanggal ng dumi sa ating katawan. Nakakatulong din ito para labanan ang mataas na cholesterol, arthritis at sakit sa tiyan.
3. Strawberry
Pinaniniwalaan isa sa mga expert na panlaban sa kanser.
4. Papaya
Mayaman sa vitamin A at C at nakakatulong magpaganda ng kutis. Taglay ng papaya ang papain, na isang kemikal na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at sa pagdumi nang regular dahil sa high fiber.
5. Ubas
Kargado ito ng tannins at flavonoids na puwedeng makapigil sa kanser. Mainam kumain ng ubas kapag ikaw ay nagpapagaling sa sakit. Kung kulang sa dugo at mahina ang katawan makakatulong ito para manumbalik ang sigla.
6. Pakwan at melon
Ang mga prutas na ito ay panlaban sa sakit sa bato at pantog (kidney at bladder infection). Taglay rin ng mga ito ang vitamin C at potassium. Mainan din na kumain nito tuwing tag-araw dahil ang katas nito ay kailangan ng ating katawan.
7. Buko
Ang buko juice ay nakatutulong sa may kidney stones o sakit sa bato. Nililinis din nito ang ating katawan.
8. Avocado
May taglay na good fats at healthy oils na nakatutulong para makaiwas sa sakit sa puso at stroke. Mayroon din itong vitamin B6 at vitamin E na nagpapakinis ng balat.
9. Pineapple
Mayroon itong bromelain na nagpapalakas ng resistensiya ng katawan. Ang mga sangkap nitong manganese at vitamin B ay nakakapagbigay ng lakas sa ating katawan.
10. Maaasim na prutas tulad ng calamansi, dalandan, orange at suha
Ang mga prutas na ito ay sagana sa vitamin C na panlaban sa sipon, ubo, hika at arthritis. Mainam din na kainin ang mga maninipis na mga fibers (pulp bits at membrane) nito dahil mabuti ito sa ating sikumura.
Source: Dr. Willie and Liza Ong
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.