Dingdong bilib sa pagiging ina ni Marian; may message kay Richard
HINDI pa man nanganganak si Marian Rivera, may mensahe na agad ang excited daddy na si Dingdong Dantes para sa kanilang second baby.
Sa Instagram fan page nina Marian at Dingdong, ang The Dongyanatics, mag-post ang Kapuso Primetime King ng kanyang message para sa baby boy nila ni Marian.
“Hindi ko pa alam kung ano ang ipapangalan ko sa ‘yo. Mas relax ka lang, dahil masaya ang mundong papasukan mo at parati mong iisipin na maganda ang buhay. Dahil kung ‘yun ang unang mindset mo ay mas gaganda ang pananaw mo at pakikitungo mo sa kapwa,” mensahe ni Dingdong sa pangalawang anak.
Bukod dito, nagbigay din siya ng mensahe para sa kanyang mag-inang sina Marian at Zia.
“Lalo na ngayon na siya ay nagdadalantao, mas nakikita ko kung ano ang kanyang purpose sa buhay. Siguro naging vehicle or entry point niya ang pagiging artista para makilala ako, tapos kinasal kami.
“Pero ang pinakagusto talaga niyang mangyari ay magkaroon ng pamilya, magkaroon ng mga anak. ‘Yung role niya bilang isang nanay ay talagang ginagampanan niya ng sobra-sobra. Hanga ako sa ganyang dedication niya. Susuportahan kita sa hirap o ginhawa, and I love you always,” aniya pa.
Dugtong pa niyang mensahe para kay Zia, “Huwag masyadong makulit, relax lang. Paparating na ang kalaro mo.”
Samantala, may mensahe rin si Dingdong para kay Richard Gutierrez, na kasama niya sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na “Fantastica” na pinagbibidahan ni Vice Ganda.
“It is an honor to finally share the stage with my EM brother, @richardgutz. After knowing each other for almost 2 decades, what better time to team up than this MMFF holiday season!” caption ni Dingdong sa photo nila ni Richard.
Dugtong pa niya, “The sharing of life stories (and motorcycle rides) off cam were as fun as shooting those hilarious scenes in our movie, #Fantastica. Looking forward to our next collaboration!”
Kasalukuyang humahataw ngayon ang “Fantastica” sa ginaganap na MMFF at kung magpapatuloy ang tagumpay nito, maaaring ito ang hiranging top-grosser sa walong entry na kasali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.