Robin may paalala sa Muslim at Kristiyano: Wag kang mang-api…patawarin tayo ni Allah
ISANG video ang ipinost ni Robin Padilla sa kanyang Instagram kung saan mapapanood ang ilang Muslim na nagpapaliwanag kung ano ang feeling nila kapag sumasapit ang Pasko. Dito sinagot din nila kung nagse-celebrate rin ba sila ng Christmas at kung kilala ba nila si Santa Claus.
Narito ang caption ni Binoe sa kanyang IG post, “Watch this video and open your eyes to the true message of Islam. We can live and co exist with anyone and anybody. Practicing religion is an individual journey it is a personal relationship with the creator not a collective relationship.
“Every person has a different culture, tradition and religion, so many different ways of loving and obeying The Almighty God.
“God is love unity and happiness not a God of hate, division and sadness. Religion is not about being self righteous. Religion is spirituality and being spiritual is Peace and being Peaceful is Islam.
“Ang isipin natin kung paano mo bubuhayin ang pamilya mo sa mundong ito ng walang sinasagasaan. Yun ang pag ukolan natin ng panahon hindi ang mga bagay na ikaw at ang Allah lamang ang nagkakaintindihan at nakakaalam. Magtrabaho ka at maging masipag at wag ka mang api ng ibang tao bagkus makatulong ka kahit kanino muslim man o hindi.
“Patawarin nawa tayo ng Allah sa mga bagay na siya lng ang tunay na nakakaalam, in shaa Allah,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.