Dennis kay Jennylyn: Salamat sa iyong pag-aalaga at pagmamahal
IBINANDERA ni Dennis Trillo ang bagong karangalang tinanggap bilang Best Actor ng 2018 Metro Manila Film Festival para sa Regal movie niyang “One Great Love.”
Labing-apat na taon ang nakalipas bago muling tumanggap ng best actor trophy ang Kapuso Drama King mula sa MMFF, ang una ay para sa movie niyang “Aishite Imasu 1941” na idinirek ni Joel Lamangan.
“Salamat po Mother Lily sa pagtitiwala noon pa man hindi ko po kayo makakalimutan.
“Taos puso din ang aking pasasalamat kay Miss Kim Chiu, JC de Vera, Marlo Mortel at Miles Ocampo lahat ay magagaling at seryoso sa trabaho, mapalad at proud akong nakagawa ng proyekto kasama kayo.
“Malaking bagay din ang tulong at paggabay ng aming director na si direk Erik Quizon. Salamat sa pagbigay ng kumpiyansa sa akin upang magampanan ko ng maayos ang role ni Ian.
“Ang lahat ng ito ay hindi ko magagawa kung hindi sa tulong ng lahat ng mga mahal ko sa buhay. Salamat sa inyong pag aalaga at pagmamahal sakin lalu na kay @mercadojenny.
“Sana po ay mapanood niyo ang #onegreatlove. Merry Christmas and Happy New Year sa inyong lahat,” caption ni Dennis sa best actor trophy na inilabas niya sa kanyang Instagram.
Agad namang tumugon si Jen sa pasasalamat sa kanya ni Dennis, “Congrats Love! I’m so proud of you @dennistrillo.”
Maging si Dingdong Dantes na co-actor ni Dennis sa seryeng Cain At Abel ng GMA ay nagpaabot din ng mensahe sa pagkapanalo ni Dennis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.