Sikat na male celeb patago kung dalawain ang dyowa, takot ibandera ang lovelife | Bandera

Sikat na male celeb patago kung dalawain ang dyowa, takot ibandera ang lovelife

Cristy Fermin - December 26, 2018 - 12:15 AM


PARA makaiwas siya sa mga intriga at matinding kontrobersiya ay maingat na maingat ang isang sikat na male personality sa mga nagaganap sa kanyang lovelife.

Mahirap na nga naman, matindi ang social media, lalo na ang mga taong nakabantay sa kanyang personal na buhay at career.

Pero may mga paraan nga naman para hindi malagay sa alanganin ang kanyang lovelife, puwede namang mag-ingat, pareho silang maingat ng babaeng nagpapasaya sa kanyang buhay ngayon.

Kuwento ng aming source, “Marami silang kaibigan, parehong palakaibigan ang sikat na male personality at ang girl, kaya may mga friends silang sumasalo kapag nagkikita sila.

“Ang mahalaga lang naman, e, ang hindi sila makita in public dahil kapag nangyari ‘yun, e, parang ihinain na rin nila ang mga sarili nila sa lungga ng mga tigreng galit na galit.

“Nakakaawa nga ang guy dahil parang ninanakawan na siya ng karapatang maging maligaya. Okey ang pamilya niya, pero ang mga hindi pa okey, e, ang mga taong wala namang karapatang humarang sa happiness niya,” naaawa sa male personality na chika ng aming impormante.

Maingat na maingat ang sikat na male personality maging sa pagdalaw sa dalaga sa lugar nito.

Gabing-gabi na siyang nagpupunta du’n, ‘yung wala nang mga makakapansin sa kanyang pagdating, tanggap siya ng pamilya ng babae.

“Nakakaawa siya, sa totoo lang, dahil sikat nga siya at stable na ang buhay dahil marunong siyang humawak ng mga pinaghihirapan niya, e, ang personal happiness niya naman ang ipinagdadamot sa kanya.

“Ano ba ang gustong mangyari ng mga nanghihimasok sa personal na buhay niya, ang tumanda na lang siyang binata? Sa kaguwapuhan niyang ‘yun, hindi man lang siya magkakalat ng lahi niya?

“Tama lang ‘yan, kailangan niyang magkaroon ng inspiration, alangan namang puro trabaho na lang ang aatupagin niya? Ano ‘yun, nakikipag-date sa ibang lalaki ang inireretong babae sa kanya, pero siya, e, walang karapatang sumaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ano ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, lokohan? Magtigil nga sila!” inis na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending