Catriona kinabog ang kasikatan ni Pia bilang ika-4 na Miss U ng Pinas
ISA sa pinakabonggang naidulot ng pagkapanalo ni Catriona Gray sa 2018 Miss Universe ay ang makitang hindi lang ang sambayanang Pilipino ang very proud sa kanya kundi maging ang ibang lahi sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sa dami ng viral videos matapos siyang koronahan sa Bangkok, Thailand, hindi maikakailang tanggap na tanggap ng majority (sorry sa mga kapwa Pinoy na pilit naghahanap ng butas sa victory ni Cat) ang pagiging Miss Universe ng dalaga pati na ang panibagong winning moment ng Pilipinas.
Mula sa kapwa niya mga kandidata, dating winners ng Miss Universe from all over the world (Miss Universe rather), her glam team, the 104 million Filipinos na sumuporta sa kanya, mga pulitiko at showbiz celebrities, at kahit ‘yung mga simpleng tao at maging ng mga bashers, ay nagdiwang din sa pagkapanalo ni Cat.
Sorry if we have to say this, tuluyan nang “kinabog” ni Catriona ang naging tagumpay ni Pia Wurtzbach noong 2015. Klaro nga ang katotohanang naging “superstar” lang si Pia after niyang manalo sa Miss U unlike Catriona na hindi pa man nakokoronahan ay star na star na.
‘Yun ang malaking difference ng dalawa, plus na lang ‘yung laman ng utak at mga sustansya ng mga adbokasiya nila. Kaya naman mapapansing tila sa last minute na lang nagparamdam ng kanyang suporta kay Cat si Pia.
But she should bounce back dahil come 2019, magsisimula ang pagiging TV host niya via a reality dance contest sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.