Female celeb nagdesisyong patayin na lang ang anak sa umeereng teleserye | Bandera

Female celeb nagdesisyong patayin na lang ang anak sa umeereng teleserye

Cristy Fermin - December 21, 2018 - 12:15 AM


SINUBUKAN pa sanang hintayin ng isang produksiyon ang pagbabalik ng isa nilang artista sa serye.

Mahalaga kasi ang papel na ginagampanan ng kilalang male personality.

Makukumpleto lang ang kuwento kung kasali ang kanyang karakter, iikot din sa kanya nang malaliman ang serye, pero kinailangan na siyang tanggalin.

Kuwento ng aming source, “Matagal din ang ipinaghintay sa kanya ng production, hindi naman basta pinatay ang character niya nang paganu’n na lang. Naging maingat ang mga namamahala sa programa.

“Nakikipag-communicate sila palagi sa family ng male personality, nakikibalita sila, ano na ba ang nangyayari?” buwena-manong chika ng aming source.

Binigyan siya nang sapat na panahon ng production, wait lang daw sila hanggang kaya pang hilahin ang kuwento, pero isang araw ay kailangan na nilang magdesisyon.

“In fairness, hindi naman nila pinahirapan ang production, napakagaan nilang kausap, lalo na ang mother ng male personality. Kinausap niya munang mabuti ang anak niya, nagdesisyon ang bagets, kaya binalikan ni mommy ang mga kausap niya.

“Sa kanya na nanggaling ang desisyon na patayin na lang ang karakter ng anak niya sa serye. Napakabilis niyang kausap, ganu’n lang kadali.

“Siguro, pinakiramdaman niya muna ang anak niya kung kaya nang magtrabaho, pero nu’ng mapansin niyang hindi pa talaga ready ang anak niya, nu’n na siya nag-decide,” kuwento pa rin ng aming impormante.

Maligaya na sana ang ina ng bagets actor dahil nalilibang ang kanyang anak. At disiplinado nu’ng una ang bagets, dumarating siya sa calltime, alam na agad ang kanyang mga dialogues.

“Pero inatake ng depression ang bagets, maraming factor ang naging reason nu’n. Meron ‘yung nu’ng bata pa siya na ayaw siyang tanggapin ng father niya.

“Nandu’n ‘yung kagustuhan niyang ma-feel ang pagkakaroon ng buong pamilya, pero malabo nang mangyari ‘yun dahil may kani-kanyang buhay na ang parents niya.

“Pero one day, magbabalik siya na matapang na, matatag na, ibang-iba na siya sa dati. Bagong tao na ang makikita ng publiko sa kanya. Taga-Silang na siya na matapang na matapang,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, taga-Silang na siya, isang lalaking brusko at sobrang tapang.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending