Dingdong, Dennis instant bff; walang lamunan sa ‘Cain at Abel’
MAAGANG pamasko para sa mga fans ang ginawang “set tour” ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa seryeng Cain At Abel kamakailan na nai-feature pa sa YouTube channel ng Team Dantes.
Tila tumigil daw muna ang magulong mundo nina Miguel (Dingdong) at Elias (Dennis Trillo) sa Cain At Abel dahil all smiles lang ang lahat sa ipinakitang video ni Dong.
Kitang-kita na kahit madugo ang kanilang mga eksena sa serye, hindi maitatanggo na parang BFF na ring maituturing ng Primetime King ang tinaguriang Kapuso Drama King na si Dennis.
Talagang mapapahanga ka sa samahan na nabuo sa pagitan ng dalawang aktor habang ginagawa nila ang Cain At Abel kaya naman kitang-kita ang kanilang rapport sa bawat eksena nila. Walang lamunan, walang paistaran at lalong walang inggitan.
Abangan ang mga susunod pang paandar ni Dingdong sa vlog ng Dantes family, lalo na ang mga bagong pampa-good vibes ng anak nila ni Marian Rivera na si Zia Dantes.
q q q
Nagbabalik ngayong Christmas season ang Radio GMA nationwide proof-of-purchase promo na “Pera Sorpresa” with bigger and more prizes to be given away weekly.
Sa loob ng walong linggo (nagsimula noong Nov. 26), bubunot ang “Pera Sorpresa” ng 16 weekly winners ng P1,500 from each of the 15 RGMA areas (Manila, Tuguegarao, Dagupan, Baguio, Lucena, Naga, Legazpi, Palawan, Cebu, Iloilo, Bacolod, Kalibo, Davao, Cagayan de Oro and General Santos).
Bukod dito, may 15 bonus prize winners din ng P10,000 at 6 winners ng P5,000 na bubunutin randomly during the 8-week period.
At sa grand draw, all non-winning entries ay magkakaroon ng chance na maging lucky winner ng P1 million. Five winners from South Luzon, North Luzon, Visayas, Mindanao, and Mega Manila will also get to win P25,000 each. All prizes are tax-free!
Participating sponsors this season are Petron, Bear Brand, Nescafé, Rexona, Carbocistene Solmux, MultiVitamins Minerals Plus Amino Acids Revicon Forte, King Cup Sardines and Nature’s Spring.
To join, just purchase any product from the participating sponsors and simply write down your name, age, address, contact number, and signature on a piece of paper and enclose it together with the required proof-of-purchase in a white envelope. At the back of the envelope, participants must write “RADIO GMA PERA SORPRESA”, week number, POP/brand attached, and RGMA Station that they listen to.
Participants can drop their entries in designated drop boxes located in selected Petron outlets, RGMA Stations, or via registered mail to RGMA Stations. Entries will be accepted until Feb. 8, 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.