JPE: Pulitiko noon, pulitiko ngayon walang pinagkaiba
WALANG nakikitang pagbabago sa itsura ng politikang Pilipino si dating Senate President Juan Ponce Enrile.
Sa Tusok-tusok series ng Bandera at Libre, sinabi ni Enrile na gaya ng dati ay hindi ipinakikita ng mga pulitiko ang totoo sa publiko.
“Pareho lang. Nagpapasikat sa madla, ganon pa rin,” ani Enrile. “Ako magaling. Ako honest. Ako matalino. Ako.. Hindi sasabihin na ako demonyo.”
Si Enrile ay muling tumatakbo sa pagkasenador sa May 2019 elections.
Sinabi ni Enrile na tumakbo siya upang makatulong na mapag-usapan ang mga mahahalagang isyu na makakaapekto sa bayan.
Mahalaga umano para kay Enrile na mapagdebatehan nang maayos upang makagawa ng tamang desisyon ang iba’t ibang issue.
Si Enrile ay isa sa tatlong senador na isinangkot sa pork barrel fund scam. Bagamat plunder ang isinampang kaso laban sa kanya, siya ay pinayagang makapaglagak ng piyansa ng Korte Suprema.
Tumanggi naman si Enrile na magkomento sa naging desisyon ng Sandiganbayan sa kaso ni dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr.
“I will not make any judgment. I’m a lawyer. I am governed by ethics rule,” ani Enrile.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.