Epal na writer ng GMA tinawag na ingrata si Regine, 'ASAP' nagmukhang perya na raw | Bandera

Epal na writer ng GMA tinawag na ingrata si Regine, ‘ASAP’ nagmukhang perya na raw

Alex Brosas - December 20, 2018 - 12:35 AM


KINUYOG ng lait ang maepal na GMA writer na si Suzette Something.

Kasi naman, binash niya ang Songbird na si Regine Velasquez pati na ang number one Sunday show na ASAP.

“Lalong bumagsak ang asaperya ng lumipat ang ingratang si @reginevalcasid.”

May malisya ang tweet ni Aling Suzette lalo pa’t wala na sa GMA si Regine dahil isa na itong Kapamilya. Obviously, bitter ang writer ng GMA at nagpapapansin ito sa Songbird.

Siyempre, may resbak ang fans ni Regine sa uncalled-for remark ng writer ng mga flopserye sa Siyete.

“Madam sana po be civilized naman tayo. Since naman po may pinag aralan naman tayo. Sana d po tayo ganyan. Wala pong ginagawang masama si Songbird sa inyo.”

“Sa People’s rating na lang umaasa ang mga kapupo. Literal kasing pinadapa ng ASAP ang Sunday pinadapa sa AGB House hold rating! Simula ng lumipat si Regine kaya namimili na lang ng measurement na ilalabas itong mga kapupo!”

“Jusme yang SPS ang mukang peryahan, ang babaduy at kokorni pinaggagawa nila, shet!”

“Always trending topic sa social media mas sikat pa nga mga housemates kesa sa mga artista nyo!”

“Tingnan mo na lang, pati sa AGB, talunan at bokya ang Sunday Pinashunga sa household rating kaya nag-ibento na lang ang AGB ng People’s Ratings. Anong kaululan yon?”

Mas mukhang perya naman ang Sunday noontime show ng Siyete. Kung sinu-sinong nameless at starlets of pinetree proportion ang mga nandoon ‘no! Isama mo pa ang Flop Primetime Queen!!!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending