Sikat na male celeb nabuntis ang kabit, nabuking ng live-in partner | Bandera

Sikat na male celeb nabuntis ang kabit, nabuking ng live-in partner

Reggee Bonoan - December 18, 2018 - 12:15 AM

Ngayon lang namin lubos naintindihan kung bakit ang daming nagtatanong kung hiwalay na ang kilalang male personality at ina ng mga anak niya – may ginawa palang hindi maganda ang lalaki.
Hindi na kasi kami interesado sa male personality simula nang maghiwalay sila ng dati niyang karelasyong sikat na personalidad.
Pero nitong mga huling araw ay kaliwa’t kanan ang mga nasulat na hiwalay na ang dalawa at sa pagkakataong ito ay tsinek namin ang IG accounts ng dalawa, parang okay naman sila dahil marami pa rin silang litrato na magkasama.
Tinanong kami ng isa sa taong naugnay din sa male personality kung ano itong balitang hiwalay na nga sila ng ina ng mga anak niya at sinagot namin ng, “Not true!”
Ang totoo pala ay pilit na inaayos ni male personality at ina ng mga anak niya ang kanilang relasyon, ayaw nilang tuluyang mawasak ang kanilang pagsasama.
Nabalitaan kasi ng ina ng mga anak ni male personality na magiging tatay na ulit siya, pero sa ibang babae.
Aba’y nakakaloka nga kung ganu’n. Ano ba ang plano ni male personality, bumuo ng basketball team?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending