Iza Calzado tsugi na ba sa Ngayon At Kailanman? | Bandera

Iza Calzado tsugi na ba sa Ngayon At Kailanman?

Reggee Bonoan |December 16,2018
facebook
share this

Iza Calzado tsugi na ba sa Ngayon At Kailanman?

Reggee Bonoan - December 16, 2018 - 12:10 AM

IZA CALZADO

Nakakaiyak naman ang ilang araw na episode ng Kapamilya seryeng Ngayon At Kailanman dahil kung kailan malapit na ang Pasko ay saka naman nawala si Hernan (Christian Vasquez), ang ama nina Inno (Joshua Garcia) at Oliver (Jameson Blake).

Ibig sabihin, malungkot na ipagdiriwang ng magkapatid ang Christmas.

Dedma kami sa nanay nilang si Stella (Alice Dixson) dahil siya ang puno’t dulo kaya namatay ang asawang si Hernan at comatose naman ang nanay ni Eva (Julia Barretto) na si Rebecca (Iza Calzado).

Palaisipan naman kung mabubuhay pa si Iza o tuluyan na siyang mawawala sa serye lalo’t ikakasal na pala siya next week sa fiancé niyang si Ben Wintle.

Siyempre after the wedding ay may honeymoon, e, sa pagkakaalam namin ay walang pondong episode ang Ngayon At Kailanman kaya hindi puwedeng mawala ang sinuman sa mga pangunahing
bida.

Puwede rin namang iurong muna nina Ben at Iza ang kanilang honeymoon at ituloy na lang ito pagkatapos ng serye.

Samantala, nag-post kamakailan si Julia ng litrato ng ipinagagawa niyang bahay kung saan umaakyat siya sa hagdanan na may caption na, “Almost there.”

Malabo nang makalipat si Julia sa bago niyang bahay bago mag-Bagong Taon (2019) dahil mukhang matagal pa bago ito matapos dahil wala pa sa finishing touch.

Si Joshua kaya, naumpisahan na rin kaya niya ang pagpapagawa ng bahay sa nabili niyang lote o bibili na lang siya ng bahay na gawa na para sa kanyang pamilya?

Natutuwa kami para sa tambalang JoshLia dahil sa murang edad ay alam na nila kung paano i-handle ang kanyang finances.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana lahat ng kabataang artista ay tulad nila na kahit mga bata ay marunong nang mag-invest para sa kanilang future, hindi ‘yung puro gimik at gastos ang alam gawin kaya walang ipon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending