Anak ni Faeldon naaresto sa bahay ng suspek sa droga sa Naga

December 14,2018
share this

Anak ni Faeldon naaresto sa bahay ng suspek sa droga sa Naga

December 14,2018
share this

Faeldon

NAARESTO ang anak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon sa bahay ng isang suspek sa droga sa Naga City.

Sa isang panayam sa DZMM,  kinilala ni PSupt. Errol Garchitorena, Jr., Intel Chief ng Naga City Police, ang nahuli na isang Nicanor Faeldon Jr. , matapos ang isinagawang operasyon sa Zone 4, Brgy. Mabolo, Naga City.

“Base po sa mga dokumento na nandoon sa kanya, positive naman po na siya si Nicanor Faeldon Jr. na lumalabas po na girlfriend niya yung anak ng suspek natin doon,” sabi ni Garchitorena. 

Niliwanag naman ni Garchitorena na hindi naman sk Faeldon ang target ng operasyon.

“Actually, sir, hindi naman po talaga siya yung subject nagkataon lang na nandoon siya sa area na yon,” sabi ni Garchitorena.

Idinagdag ni Garchitorena wala ring nakumpiskang droga mula kay Faeldon.

“Nung sinearch po natin, wala naman pong nakuha sa kanya. But yun nga po ang pinagtataka namin, anong ginagawa niya doon,” ayon pa kay Garchitorena. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending