Nagnakaw ng kambing patay, 1 pang kasabwat sugatan sa Isabela | Bandera

Nagnakaw ng kambing patay, 1 pang kasabwat sugatan sa Isabela

|December 13,2018
facebook
share this

Nagnakaw ng kambing patay, 1 pang kasabwat sugatan sa Isabela

- December 13, 2018 - 07:59 PM

PATAY ang isang pinaghihinalaang magnanakaw, samantalang sugatan naman ang isa pa, nang barilin ng isang barangay tanod nang tangkaing magnakaw ng dalawang kambing sa Barangay Divisoria, Aurora, Isabela, Huwebes ng madaling araw.

Napatay si Ceejay Vidal ng tanod na si Estanislao Duque nang tangkaing pigilan ang apat na suspek sa pagnanakaw ng mga kambing ni Jaime Asirit.

Sumakay ang apat na suspek sa mga motorsiklo, bagamat nakorner ni Duque at iba pang tanod sina Vidal at Anescon Alcon sa matapos silang habulin.

Una umanong nagpaputok ang mga suspek, dahilan para gumanti ang mga tanod, dahilan para mapatay si Vidal at nasugatan naman Alcon.

Nakatakas naman ang dalawang iba pang suspek na sina John Rich Dela Peña at Edwin Asuncion, kasama ang isang ninakaw na kambing.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending