Empress: Hindi ko dream ang magpakasal! | Bandera

Empress: Hindi ko dream ang magpakasal!

Julie Bonifacio - December 12, 2018 - 12:01 AM


NAKATSIKAHAN namin ang isa sa mga bida ng pelikulang “Kahit Ayaw Mo Na” na si Empress Schuck after ng premiere night ng movie nila sa SM Megamall. Na-inspire ulit si Empress to do films dahil sa ganda ng outcome ng movie nila nina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar.

Istorya ng tatlong babae na pinagtagpu-tagpo sa lalawigan ng Samar. Towards the end of the movie, mari-reveal ang sikretong matagal nang itinago na mag-uugnay sa kanilang tatlo.

“May kulang kasi sa tatlong babae sa movie. They’re looking for their father. Ako kasi lumaki na wala akong father kaya medyo strong ako. Galit ako sa mga lalaki. Galit ako sa marriage,” kwento ni Empress.

Kabilang sa highlights ng movie ang scenery ng Samar. Nag-stay pala sina Empress sa Samar dahil doon kinunan ang entrie film.

“Na-stay po talaga kami. Lahat ng shooting namin sa Samar. One week kami doon and everyday shooting. Ang gaganda ng mga lugar,” lahad ng aktres.

Maganda rin ang sound track ng movie na may pareho ring title mula sa This Band. Gusto namin ‘yung “Bakit Ba Ganyan?” version ni Kristel na ginamit sa movie.

Ang “Kahit Ayaw Mo Na” ay under Viva Films, BluArt Productions, Spark Samra at Saga Prefecture Film Commission na idinirek naman ni Bona Fajardo.

This Christmas, mag-i-stay lang daw sila sa bahay ng partner niya na si Vinno Guingona at anak nila na si Athalia, “But sa New Year’s Eve nasa Singapore kami. Family ano lang, something new. Kasama namin ang family niya, sa Daddy niya.”

Hindi pa kasal si Empress kay Vinno so we asked her kung nag-propose na ang partner niya, “Ay, hindi pa po. Huwag muna,” nagulat niyang sagot.

What if mag-propose sa kanya this Christmas si Vinno? “Secret! Baka naman ‘pag nabasa niya ‘to biglang mag-propose. Ha-hahaha!”

Dream naman ng mga babae ang ikasal. Pero mukhang ‘di kasama doon si Empress, “Ay, hindi ko po dream ‘yun. No,” iling pa niya.

So, ano ang dream niya? “Happy family lang. Basta tanggap ka lang ng partner mo, ganoon.”

Then, we asked her again kung ano ang kanyang Christmas wish, “More blessings lang, happiness, good health. Material, wala naman.”

q q q

Sobrang nakakabilib, nakaka-inspire at punumpuno ng puso ang successful concert ng TNT Boys sa Araneta Coliseum na pinamagatang “Listen: The Big Shot Concert.”

Sa true lang, punumpuno talaga ang Big Dome that night mula sa mga bata hanggang sa mga matatandang audience na super love pala ang TNT Boys, huh!

Mga naka-wheelchair ang ilan sa mga nakita at nakasabay namin na senior citizens palabas ng Araneta Coliseum. At nakaka-amaze kasi talagang tinapos nila ang show kahit inabot na ng past 11 p.m. ang concert.

Hindi naman kasi talaga pagsasawaan panoorin ang TNT Boys na kinabibilangan nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez at Francis Concepcion. Napakahusay at talagang level-up ang kanilang performances.

At dahil bata pa, ang taas pa rin ng energy hanggang sa matapos ang concert. Keri pa nilang bumirit ng another 10 songs kaya lang medyo may naramdaman na si Francis sa kanyang tiyan na ikinaaliw naman ng audience.

Humaplos sa puso at naramdaman namin ang pag-iyak nila na pinaghalong tuwa dahil hindi nila ma-imagine ang katuparan ng kanilang pangarap.

Nakagawa pa ang TNT Boys ng record sa kasaysayan ng mga malalaking international at local artists na nag-perform sa Araneta Coliseum.

They now hold the record of being the youngest artists na soldout ang concert sa Big Dome.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congrats TNT Boys at siyempre kay Bobet Vidanes na nagdirek ng concert.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending