Empress magku-quit na sana sa showbiz: Hindi na po ako happy! | Bandera

Empress magku-quit na sana sa showbiz: Hindi na po ako happy!

Julie Bonifacio |December 04,2018
facebook
share this

Empress magku-quit na sana sa showbiz: Hindi na po ako happy!

Julie Bonifacio - December 04, 2018 - 12:01 AM


TAHASANG inamin ni Empress Schuck na gusto na niyang iwan ang showbiz at mamuhay na lang ng pribado. Bata pa lang kasi siya ay sumabak na siya sa pag-aartista. Hanggang sa umabot siya sa point na parang napagod na.

“Hindi na ako happy. Hindi ako sure that time kung ano ba ang dapat na decision, and then siguro, blessing ‘yun na I have Athalia (anak ni Vino Guingona) and it turned out na baka eto na ‘yun, kasi sobrang naging happy ako,” sabi ni Empress nu’ng makausap namin sa presscon ng movie nila nina Andrea Brillantes at Kristel Fulgar na “Kahit Ayaw Mo Na” mula sa Viva Films directed by Bona Fajardo.

Natagpuan daw niya ang kanyang true happiness and unconditional love nu’ng dumating sa buhay niya ang kanyang anak na si Athalia.

“Kaming tatlo kahit fantasy man siya, ngayon ko lang ito nararamdaman, ngayon ko lang to makukuha sa buong buhay ko, so ayaw ko siyang pakawalan,” lahad pa ng aktres.

Pero kahit ayaw nang mag-artista ni Empress, marami pa ring dumarating na mga offer sa kanya through her manager Becky Aguila with her Katrina Aguila na siya na ngayong punong-abala sa pag-aasikaso sa kanilang mga talents.

“Ilang beses akong lumapit sa kanya para i-explain na hindi na ako happy. Hindi niya ako pinipilit, lagi lang siyang nagbibigay ng peace of mind. Sabi niya, ‘I believe in you, sayang!’ Although passion ko naman siya, pero anong magagawa ng passion mo if you’re not happy. So parang I’ll try to find my happiness first and then pagsabayin ko.”

Ang pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” ni Paulo Avelino ang nagpabalik daw ng interes niya na muling umarte sa pelikula.

Samantala, kasama rin sa cast ng “Kahit Ayaw Mo Na” sina Daniel Matsunaga, Karl Gabriel, Allan Paule, Neil Coleta at Desiree del Valle. Showing na ito sa Dec. 5 under Viva Films, Blue Art Productions at Spark Samar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending