Diego ‘nagpapagaling’ pa sa rehab; papalitan ni Joseph Marco sa ‘Los Bastardos’

By Reggee Bonoan December 12,2018
share this

Diego ‘nagpapagaling’ pa sa rehab; papalitan ni Joseph Marco sa ‘Los Bastardos’

By Reggee Bonoan December 12,2018
share this


TOTOO kaya na si Joseph Marco ang papalit sa karakter ni Diego Loyzaga bilang si Joaquin Cardinal sa seryeng Los Bastardos ng ABS-CBN?

Sa pagpapatuloy kasi ng kuwento, pauwi na ang isa pang anak ni Don Roman (Ronaldo Valdez) sa Pilipinas kaya excited na ang matanda.

Sa pagkakaalam namin, palalabasing nag-crash ang eroplanong sinasakyan ni Diego kaya patay na ang karakter nito. Ipakikita sa susunod na episode ng Los Bastardos ang burol ni Joaquin.

Nabanggit ng isang source na halos tatlong linggong hinintay ni direk Ruel S. Bayani (RSB Unit) si Diego para makabalik sa karakter niyang Joaquin pero ayon sa nanay nitong si Teresa Loyzaga ay hindi na makakabalik pa ang anak dahil kasalukuyan pa itong “nagpapagaling.”

Matatandaang nagkaroon ng personal na problema ang aktor kasabay ng paglabas ng balita na sinaktan nito ang sarili dahil sa depresyon.

Base sa nakuha naming impormasyon kasalukuyang nagpapagaling sa isang rehabilitation center sa Quezon City ang binata.

Anyway, ang sabi pa sa amin tungkol sa tatakbong kuwento ng LB, hindi pala siya tunay na Cardinal dahil anak siya ni Jeric Raval.

Hmmmm, may twist pala ang kuwento kasabay ng pagpasok ng karaktet ni Joseph sa serye.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending