Tony Labrusca walang planong ireklamo ang nanapak na guard: Don’t worry, I’m totally ok!
NAG-ALALA ang mga fans and supporters ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca matapos aksidenteng masapak ng isang security guard sa isang mall.
Talagang tumumba ang leading man ni Angel Aquino sa kontrobersyal na digital film na “Glorious” nang masuntok ng gwardiya habang pinagkakaguluhan ng fans pagkatapos mag-show sa isang mall sa Batangas.
Base sa kumalat na video na ipinost ng ilang netizens sa social media, makikitang hinabol ng fans si Tony habang palabas ng mall hanggang sa magkagulo na ang mga tao. Dito na nga aksidenteng nasuntok ang aktor ng security guard na dapat sana’y para sa isang fan na pilit yumayakap sa binata.
Dahil sa pag-aalala ng kanyang followers sa social media, nag-post ng mensahe si Tony sa Twitter para ipaalam ang kanyang kundisyon.
Tweet ng hunk actor, “Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mall show.
“I’m totally okay. I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!” aniya pa. Wala rin daw balak magreklamo si Tony laban sa guard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.