‘Kotse-kotsehan’ ng MMK wagi sa Asian Academy Creative Awards
ISANG karangalan ang naibigay ng Maalaala Mo Kaya, na kilala sa paghahatid nito ng mga kwento ng Pilipino ng kanilang mga pagsubok at karanasan, sa Pilipinas matapos nitong manalo bilang Best Single Drama/Telemovie sa kauna-unahang Asian Academy Creative Awards na ginanap sa Singapore kamakailan.
Pinarangalan ang longest-running drama anthology ng Asya para sa “Kotse-Kotsehan” episode (Toy Car) na tungkol sa pagmamahal ng dalawang ina sa kanilang anak at pinagbidahan ng award-winning actress na sina Angel Locsin at Dimples Romana.
Ayon sa MMK business unit head na si Roda dela Cerna, ibinabahagi niya ang panalo sa “dalawang nanay na ipinagkatiwala ang kanilang buhay sa MMK.
Napabilang pa ang MMK sa international gala finals matapos kilalanin na national winner sa noong Oktubre.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.