Jinyoung ng GOT7, rookie actress Shin Ye Eun bibida sa ‘That Psychometric Guy’

December 10,2018
share this

Jinyoung ng GOT7, rookie actress Shin Ye Eun bibida sa ‘That Psychometric Guy’

December 10,2018
share this


KOREAN word of the Week: “Na jigeum gaya dwae” – sa Ingles, nangangahulugan ito ng “I have to go now.”

q q q

Bibida ang miyembro ng GOT7 na si Jinyoung at ang rookie actress na si Shin Ye Eun sa upcoming tvN Korean romantic comedy na That Psychometric Guy.

Kwento ito ni Lee Ahn (Jinyoung), na may abilidad na malaman ang secret ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa kanila.

Gaganap si Ye Eun bilang si Yoon Jae In na nagnanais itago ang sugat sa kanyang puso na feeling mo nakadepende ang buhay niya rito. Na kay Jae In na ang lahat gaya ng mayamang pamilya, talino, ganda at pagiging generous. Nagpapanggap siyang perpekto ang kanyang buhay.

Lumipat siya sa isang eskwelahan at doon niya nakilala si Lee Ahn kung saan naranasan niya ang love and hate relationship.

Nag-debut si Ye Eun sa web drama na A-TEEN noong Hulyo at ito ang kanyang kauna-unahang lead role. Nakatakdang mapanood ang That Psychometric Guy sa unang bahagi ng 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending