Anne, Erwan pwede nang karirin ang paggawa ng baby
NAGBUNGA ang panawagang dasal ni Anne Curtis para sa isinagawang operasyon sa kanyang ama.
Sa recent tweet ni Anne ibinalita niya ang kundisyon ng kanyang tatay, “Daddy’s safely in recovery room. Thank you for your prayers everyone.”
Pero kahit nasa ospital pa ang ama, dumalo pa rin si Anne sa grand presscon ng festival movie niya, ang horror film na “Aurora” mula sa direksyon ni Yam Laranas.
Ibang putahe naman ang handog ng aktres sa latest movie niyang ito. Aniya, ang “Aurora” ang ikatlong movie na nagawa niya this year after ng blockbuster movies niyang “Sid & Aya” with Dingdong Dantes at ang action-packed na “Buy Bust” na idinirek ni Erik Matti.
Kagagaling lang ni Anne sa South Africa kung saan sila nag-honeymoon ng asawang si Erwan Heussaff.
Puwede na raw siyang maghinay-hinay sa paggawa ng pelikula para harapin naman ang pangarap nila ni Erwan na magkaroon ng anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.