Ok lang kay Aiko magkaanak ng bading; Sunshine lumaki sa piling ng mga tibo
KONTROBERSYAL ang pelikulang “Rainbow’s Sunset” nina Eddie Garcia at Tony Mabesa na entry ng Heaven’s Best Entertainment sa 2018 MMFF na tumatalakay sa gay relationship.
Natanong ang mga kasama sa pelikula kung ano ang masasabi nila sakaling isa sa miyembro ng kanilang pamilya ay miyembro ng LGBTQ community.
Unang sumagot si Aiko Melendez na gumaganap na anak nina Eddie Garcia at Gloria Romero sa movie, “Sa akin kasi wala sa pamilya ko ang direkta (mayroon), siguro sa pinsan. Lumaki ako sa industriya na exposed ang mga kapatid natin na miyembro ng LBGT and nasa politics din ako, expose rin ako sa kanila.
“So sa akin, gender is never an issue for as long as you’re making a difference on our society, I think that what matters most. So tanggap ko ‘yan at sakaling one day umamin si Andrei (anak kay Jomari Yllana) na, medyo malayo pa po, eh kasi lalaking-lalaki talaga siya, pero tatanggapin ko ‘yan lalo na kung makabuluhan naman ang magagawa niya sa society natin,” paliwanag ng aktres.
Sabi naman ni Sunshine Dizon proud siyang lumaki sa piling ng dalawang tiyahing lesbyana.
“I’m looking up to them at mahal na mahal ko ang mga tita ko na ‘yun. I remember when I was a little girl, they had to attend this wedding and they had to wear a dress and I was so confused kasi alam ko, lalaki sila and actually, the two of them are the best of my titas, talagang super bait and I really look up to them,” kuwento ni Shine.
“Like ate Shine, I also have two aunts na lesbian din, I’m super close to them and I love them so much. I learned and look up to them,” say naman ni Max Collins.
Para naman kay Eddie Garcia, “Wala naman (bading o lesbian sa pamilya) at kung mayroon man ay tatanggapin ko dahil iyon ay ibinigay sa kanya ng Diyos.”
Samantala, base sa mga nakapanood na ng “Rainbow’s Sunset”, napakaganda raw ng pelikula at nailatag nang maayos ang kuwento ng isang pamilya na humaharap sa matinding hamon ng buhay.
“Hindi hard sell ang crying scenes, hindi mo mararamdaman na tumutulo na pala ang luha mo while watching the movie,” sabi ng isang entertainment editor.
Hinuhulaan ng lahat na mag-uuwi ng maraming awards ang pelikulang idinirek ni Joel Lamangan na nagbabalik sa MMFF after nine years.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.