Battle of Ilocos Norte umiinit | Bandera

Battle of Ilocos Norte umiinit

Leifbilly Begas - November 30, 2018 - 03:58 PM

BATTLE of Ilocos Norte.

Sa huling minuto bago magsara ang period of substitution alas-5 ng hapon noong Huwebes, nabago ang mga personalidad na magbabanggaan sa 2019 elections sa Ilocos Norte.

Nag-withdraw si Rep. Imelda Marcos sa kanyang pagtakbo sa pagkagubernador at pinalitan ng kanyang apo na si Ilocos Norte Board Member Matthew Marcos Manotoc, anak ni Gov. Imee Marcos na tumatakbo sa pagkasenador.

Si Manotoc ay unang naghain ng kanyang certificate of candidacy upang tumakbo sa pagkabise gubernador.

Hindi naman itinuloy ni Rep. Rodolfo Farinas ang kanyang pamamahinga sa pulitika at tumakbo sa pagkagubernador. Siya ay nag-substitute sa dating kapitan ng Brgy. Bengcag na si Jesus Arimbuyotan.

Sinabi ni Farinas na nag-substitute siya kay Arimbuyotan matapos na tumakbo si Michael ‘Keon’ Marcos sa pagka-mayor ng Laoag City. Nauna rito ay naghain si Keon ng CoC para tumakbong board member.

Makakalaban ni Keon ang niece-in-law ni Farinas na si incumbent Mayor Chevylle Farinas, asawa ng namayapang Vice Mayor Michael Farinas.

“They were going to withdraw the opponent of (my daughter) Ria, but Keon’s running against Chevylle violates our peace agreement,” ani Rep. Farinas.

“BBM (BongBong Marcos) and I agreed of having peace between our families with Ria and Mrs. Marcos being unopposed.”

Sinabi umano ni ex-Sen. BongBong na hindi nila alam ang ginawa ni Keon. “I told him I’ll just proceed with my own filing since there was a minute left before the deadline but we will continue talking about peace.”

Ang ina ni Keon ay si Elizabeth Marcos-Keon, kapatid ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ang anak ni Farinas na si Board Member Ria Farinas ay tumatakbo naman sa pagkakongresista kapalit ng kanyang ama.

“If they’ll withdraw Ria’s and Chevylle’s opponents, I will withdraw, too, as I’d rather retire from politics,” saad ng kongresista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaan na pinaimbestigahan ni Farinas si Gov. Marcos at mga opisyal nito kaugnay ng anomalya umano sa paggamit ng tobacco excise fund ng probinsya.

Nauwi ito sa pagpapakulong sa anim na opisyal ng Ilocos Norte provincial government. Nakakuha ng utos mula sa Court of Appeals si Gov. Marcos upang palayain ang mga opisyal subalit hindi ito kinilala ng Kamara de Representantes. Si Farinas noon ang House Majority Leader.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending