SWS: Nabiktima ng krimen tumaas | Bandera

SWS: Nabiktima ng krimen tumaas

Leifbilly Begas |November 30,2018
facebook
share this

SWS: Nabiktima ng krimen tumaas

Leifbilly Begas - November 30, 2018 - 12:37 PM

TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang nabiktima ng krimen sa nakalipas na anim na buwan ayon sa survey ng Social Weather Stations.

Mula sa 5.3 porsyento (1.2 milyong pamilya), umakyat ito sa 6.1 porsyento (1.4 milyong pamilya) sa survey noong Setyembre.

Sa survey noong Marso naitala ang nabiktima ng krimen sa 6.6 porsyento.

Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte ang pinakamataas na nabiktima ng krimen ayon sa SWS survey ay 7.6 porsyento na naitala noong Disyembre 2017.

Sa pamilya na mayroong miyembro na nabiktima ng krimen, 4.6 porsyento ang nadukutan (tumaas mula sa 4.0), nakawan ang 2 porsyento (mula sa 1.8), ang nanakawan ng sasakyan ay 0.6 porsyento (mula sa 0.5), at 0.7 porsyento ang sinaktan (mula sa 0.2).

Sa mga respondents, 52 porsyento ang natatakot na manakawan (mula sa 55), nagsabi ang 46 porsyento na hindi ligtas ang mga lansangan kapag gabi kaya natatakot silang lumabas (nanatili sa 46) at 41 porsyento ang nagsabi na marami pa ring adik sa kanilang lugar (nanatili sa 41).

Ginawa ang survey mula Setyembre 15-23 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents. Mayroon itong error of margin na plus/minus tatlong porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending