Du30 kinansela ang pagdalo sa pagdiriwang ng Bonifacio Day
KINANSELA ni Pangulong Duterte ang kanyang iskedyul kung saan nakatakda sana niyang pangunahan ang pagdiriwang ng ika-155 Birth Anniversary ng bayaning si Andres Bonifacio sa Bonifacio Monument, Caloocan City.
Nauna nang inabisuhan ng Palasyo ang mga miyembro ng media na dadalo si Duterte sa pagggunita ng Bonifacio Day ganap na alas-3:30 ng hapon..
Sa isang text message, sinabi ni Presidential Spokespeson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na imbes na si Duterte, si Executive Secretary Salvador Medialdea na lamang ang kakatawan sa pangulo.
“ES will attend instead of PRRD. He has to fly to Mindanao to attend to the problem of insurgency in Mindanao,” sabi ni Panelo.
Ito’y sa harap naman ng nangyaring pag-aresto kay dating Bayan Muna partylist representative Satur Ocampo at 17 iba pa sa Davao del Norte noong Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.