Kris ‘care bears’ sa problema nina James at Michela | Bandera

Kris ‘care bears’ sa problema nina James at Michela

Cristy Fermin |November 30,2018
facebook
share this

Kris ‘care bears’ sa problema nina James at Michela

Cristy Fermin - November 30, 2018 - 12:40 AM

MICHELA CAZZOLA AT JAMES YAP

May mga nagtatanong sa amin kung alam na raw ba ni Kris Aquino ang kuwentong may problema ngayon sa relasyon nina James Yap at Michela Cazzola?

Sa tindi ng radar ni Kris, siguradong naaamuyan na niya ang balita, pero hindi na lang siya kumikibo. Si Kris pa ba naman? CNN nga ang tawag namin sa kanya, dahil walang nakalulusot sa kanyang pang-amoy, sagap na sagap niya ang lahat ng mga nagaganap sa kanyang mundo.

Pero ipagpalagay nang meron ngang problema ngayon sa pagitan nina James at Michela ay hindi na lang din magsasalita si Kris. Care bears na lang siya.

Para ano pa? Para pupugin na naman siya sa social media sa pakikisawsaw? Mang-iimbita lang siya ng mga bashers kung magkokomento pa siya tungkol sa balita.

Mas marami siyang dapat pagtuunan ng atensiyon ngayon, tulad ng mga trabaho niyang nabimbin dahil sa mga problemang nakaengkuwentro niya nitong mga huling buwan, ang pagtutok sa kanyang kalusugan at paghahain ng demanda laban sa dati niyang kasama sa kanyang kumpanya.

Kung makikialam pa si Kris sa mga nagaganap ngayon kina James at Michela ay aariba na naman ang kanyang mga bashers na gustung-gusto siyang iniinis.

Sasabihin na naman ng mga ito na gusto pa rin niyang makipagbalikan sa ama ni Bimby, kaya para ano pa, kailangan pa bang ihain ni Kris Aquino ang kanyang sarili sa pambibingbang ng mga taong hindi masaya sa mga nagaganap sa buhay niya?

No, way, highway.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending