Sikat na comedian nasisira ang diskarte sa trabaho dahil sa bruskong boyfriend | Bandera

Sikat na comedian nasisira ang diskarte sa trabaho dahil sa bruskong boyfriend

Cristy Fermin |November 30,2018
facebook
share this

Sikat na comedian nasisira ang diskarte sa trabaho dahil sa bruskong boyfriend

Cristy Fermin - November 30, 2018 - 12:35 AM


SINASABI na nga ba. Tama ang opinyon ng mas nakararami nu’n na sa halip na maging inspiration ay nagiging destruction na sa karera ng isang sikat na komedyante ang kanyang karelasyon.

Dahil lantad na nga sila sa pagpaparamdam ng emosyon ay maraming nakakapansin na naaapektuhan na nu’n ang career ng sikat na komedyante.

Kuwento ng isang source, “Instead na maging inspiration, iba na ang nangyayari ngayon. Madalas silang lumabas, nagba-bar hopping sila, kaya apektado ang work ng becki kinabukasan.

“Nag-uumpisa na ang show, e, wala pa siya, kasi nga, paumaga na siyang umuwi mula sa bar. Gaano na lang ang oras na maitutulog niya kapag ganu’n?

“May time pa rin siyang magpahinga at matulog, pero bitin na ‘yun, hindi siya agad nakababangon dahil kulang siya sa sleep. Ano ang ending nu’n? Late na siyang dumarating sa show,” unang chika ng aming impormante.

Apektado rin ang schedule ng komedyante sa shooting, nandu’n na ang lahat pero wala pa rin siya, dahil magkasama na naman silang lumabas nu’ng lalaki.

“Wala namang masama na maligaya siya, lalong hindi naman krimen na may nagpapasaya sa kanya ngayon, pero dapat, hindi pa rin niya pinababayaan ang work niya.

“Hindi magandang tingnan na maligaya nga sila habang magkasama, enjoy na enjoy sila, pero apektado naman ang trabaho niya. Hindi na nagiging inspiration para sa kanya ang guy, destruction na.

“Tama bang iwanan niya ang trabaho niya? Natural, may nasasagasaan na sila habang nagpapakaligaya sila. Tapos, ang idadahilan pa nila, e, biglaan lang silang nagkita sa location?

“Sino naman ang bibili sa dahilan nila, e, araw-araw silang may communication. Hindi sila nagkakaalaman ng lakad nila, ganu’n? Puwede ba naman ‘yun, e, hanggang sa show nga ng becki, tumatawag pa ang bruskong lalaking ‘yun?

“Naku, hindi na maganda ang mga nangyayari, may nagiging problema na sa career ng becki dahil sa madalas nilang pagsasama ng guy, maling bisyo na ‘yan!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siguradong wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending