Operasyon ni Mike Enriquez sa puso tagumpay, balik-GMA na
ISANG sorpresang maituturing ang pagbabalik ni Kapuso news anchor Mike Enriquez sa 24 Oras nitong Lunes ng gabi. Una nang ikinagulat at ikinatuwa ng maraming listeners at viewers ang muling pagsabak ni Mike sa paghahatid ng balita nang marinig at mapanuod nila siya sa Dobol B sa News TV noong umaga.
At kahit saglit lang siya rito, hindi maikakaila ang kasiyahan ng kanyang mga kasama sa radyo. Kaya naman talagang inabangan ng marami ang muling pagsalang ng “Imbestigador ng Bayan” sa 24 Oras kinagabihan.
Masaya raw ang Kapuso viewers dahil naging successful ang heart operation ni Mike. Hindi maikakailang na-miss talaga ng marami ang beteranong broadcast journalist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.