Dagdag buwis sa alak inaprubahan ng Kamara | Bandera

Dagdag buwis sa alak inaprubahan ng Kamara

Leifbilly Begas - November 26, 2018 - 09:58 PM

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na itaas ang excise tax ng alak.

Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan ang House bill 8618 upang itaas sa P6.60 kada litro ang buwis sa distilled spirits. Sa kasalukuyan ang buwis sa distilled spirits ay P22.40 specific tax at ad valorem tax na 20 porsyento.

Sa ilalim ng panukala mula sa Enero ay gagawin ng P30 ang specific tax at dagdag na 22 porsyentong ad valorem tax.

Itataas ito ng P35, P40, at P45 hanggang sa 2022 at itataas ng pitong porsyento kada taon mula 2023.

Ang unitary tax naman sa sparkling wines ay gagawing P650 at dagdag na 15 porsyentong ad valorem tax. Itataas ito ng pitong porsyento sa 2023.

Ang buwis naman sa still ay carbonated wines na hindi aabot sa 14 porsyento ang alcohol content ay itataas ng ₱2.10 o mula P37.90 ay gagawing P40. Ang lagpas naman sa 14 porsyento ang alcohol content ay itataas ng 14 porsyento o P4.10 kada litro simula Enero.

Gagawin namang P28 ang fermented liquor na mas mataas ng P2.60 sa P25.40 kasalukuyang buwis nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending