Coco tinawag na ‘my idol’ ni Albayalde; PNP susuportahan uli ang ‘Probinsyano’, pero…
TINUPAD ni Coco Martin ang pangako niyang makikipagkita nang personal kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde para pag-usapan ang ilang isyu tungkol sa kanilang primetime series na Ang Probinsyano.
Kahapon ng umaga, nagtungo sa Camp Crame si Coco kasama ang ilang executives ng ABS-CBN para makipag-dialogue kay Albayalde, kabilang na sina ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at ang manager ni Coco na si Biboy Arboleda. Um-attend mula sila ng flag raising ceremony saka ginanap ang meeting.
Matapos ang ilang oras na pag-uusap, nagkasundo ang magkabilang panig na lagdaan ang isang Memorandum of Understanding.
Pumayag muli ang pamunuan ng PNP na gamitin ng produksyon ng Ang Probinsyano ang uniform ng mga pulis, sasakyan at iba pang facilities ng PNP sa kundisyong, “it would not smear the police’s image.”
Nangako naman ang Dreamscape TV na siyang nasa likod ng Probinsyano, na ang karakter ni Coco sa serye bilang si Cardo Dalisay ay mananatiling mabuting pulis.
Kamakailan, sinabi ni Albayalde na “unfair” daw ang portrayal ng isang corrupt national police chief sa serye ni Coco pati na ang mga masasamang ginagawa ng mga pulis sa kuwento.
Dahil dito, nagbanta ang Department of Interior and Local Government at ang PNP na kakasuhan ang ABS-CBN. Nauna nang nakipag-dialogue ang Team Probinsyano sa mga opisyal gn DILG last week at nagkasundo nga ang dalawang panig na ayusin ang lahat ng problema.
Marami naman ang natuwa at pumalakpak nang tawagin ni Albayalde ang bida ng Probinsyano ng “My idol Coco Martin.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.