Mikee, Kate nag-bonding sa isla; Jo Berry, Cherie nagkainitan na naman
TUWANG-TUWA ang mga fans nina Mikee Quintos at Kate Valdez sa mga nakaraang episode ng GMA Primetime series na Onanay, lalo na sa mga eksenang na-trap sa isang island ang magkapatid nang sumama sila sa field trip ng kanilang klase.
Nagkaroon kasi ng bon-ding moments sina Maila (Mikee) at Natalie (Kate) sa isla na sinamahan pa ng kanilang love and hate relationship na parang mga bata. Na-good vibes kasi ang mga viewers sa sweet moments ng mag-sisters, kabilang na ang eksena kung saan iniligtas ni Natalie si Maila mula sa isang ahas.
Samantala, kabaligtaran naman nito ang naganap sa pagitan nina Onay (Jo Berry) at Helena (Cherie Gil) nang makarating sila sa lugar kung saan nawala sina Maila at Natalie. Muling nagkainitan ang dalawa matapos magsisihan sa sinapit ng magkapatid.
Hanggang saan aabot ang pag-aalala nina Helena at Onay sa pagkawala nina Maila at Natalie? Paano nga ba maliligtas ang dalawa mula sa pagkaka-trap sa isla? ‘Yan ang tutukan sa pagpapatuloy ng Onanay gabi-gabi sa GMA Telebabad after Cain At Abel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.