Sharon pangarap gumawa ng pelikula na mala-anak ni Ate Vi

By Reggee Bonoan November 25,2018
share this

Sharon pangarap gumawa ng pelikula na mala-anak ni Ate Vi

By Reggee Bonoan November 25,2018
share this

KATHRYN BERNARDO AT SHARON CUNETA

PAGKATAPOS ng mediacon ng “Three Words To Forever” ay muling natanong ng entertainment press si Sharon Cuneta tungkol sa pag-amin niya na umabot din ng six years ang relasyon nila ni Richard Gomez. Ang alam kasi ng publiko ay mahigit isang taon lang sila.

“It’s so funny, I don’t know if I said this before na akala nga it lasted lang for a year, five to six years, on and off but mostly on,” saad ng Megastar.

Dagdag pa, “We don’t talk about it kasi. If we did talk about it very quickly or related to something happening in the present. Mostly we talked about…ang galing kasi talaga ng ginawa niya sa Ormoc tapos our children and the movie.

“Ibang-iba na talaga ‘yung dynamics while we’re working especially now, siyempre he’s Mayor na so nu’ng nandoon kami wala kaming time mag-bond masyado, hindi dahil hindi kami nag-bond, hindi katulad nu’ng araw na pag magsu-shooting kami o kami ni Robin (Padilla) last year, pagkatapos ng eksena magkukuwentuhan kayo, ito trabaho siya (bilang mayor) talaga kaya bilib na bilib ako,” aniya pa.

Samantala, nabanggit ni Sharon na sobrang nag-enjoy silang lahat sa shooting nila sa Ormoc at itinuring niyang anak na rin sina Tommy Esguerra at Kathryn Bernardo, sa katunayan ay gusto niyang makagawa rin ng pelikulang mala-“Anak” ni Lipa Rep. Vilma Santos-Recto at si Kathryn ang anak niya.

“Sana matuloy na, Inang (Olive Lamasan),” panawagan pa ni Mega sa Star Cinema executive.
Mapapanood na ang “Three Words To Forever” sa Nob. 28 mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina. Kasama rin dito sina Liza Lorena, Joross Gamboa at Freddie Webb.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending