MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Gusto ko lang po na itanong kung paano namin makukuha ang funeral benefits ng mother ko na namatay po noong isang buwan.
Nasa probinsya po ang mga kapatid ko at ako lamang ang nakatira sa Maynila. Ano po ang dapat gawin?
Kailangan ba silang papirmahin para sa claim?
Sana ay agad na masagot ang aking katanungan.
Maraming salamat po.
Louie
REPLY: Ito po ay bilang tugon sa katanu-ngan ni Ms. Louie ukol sa pagpafile ng funeral benefits dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.
Ang funeral benefit ay benepisyong ibi-nabayad sa kung sinuman ang nagbayad ng funeral expenses ng miyembrong namatay.
Kung si Ms. Louie ang nakapangalan sa funeral receipt na nagbayad ng mga gastusin, pinapayuhan namin siyang i-file ang kanyang claim sa pinakamalapit na tanggapan ng SSS.
Kailangan lamang niyang mag fill up ng funeral application form. Ito ay maaaring makuha sa mga sangay ng SSS o i-download mula sa www.sss.gov.ph.
I-file ito kasama ang original receipt mula sa funeral parlor, ID at registered death certificate ng kanyang ina, at valid ID niya bilang claimant.
Sana po ay nabigyan namin ng linaw ang katanungan ninyo.
Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa SSS.
Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security
Officer IV
SSS Media Affairs
Department
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.