HINILING ni Sen. Antonio Trillanes IV sa Makati City Regional Trial Court Branch 150 na payagaan siyang makapagbiyahe sa Europe at US.
Sa kanyang mosyon, nais ni Trillanes na makalabas ng bansa mula Disyembre 11, 2018 hanggang Enero 12, 2019 at mula Enero 27 hanggang Pebrero 10, 2019.
Sinabi ng abogado ni Trillanes na si Atty. Reynaldo Robles, inimbitahan ang senador ng iba’t ibang grupo para sa mga aktibidad sa Amsterdam, Barcelona, at London mula Dis. 11, 2018 hanggang Enero 11, 2019.
Sa Enero 27 hanggang Pebrero 10, 2019, makikipagpulong si Trillanes sa mga grupo sa California, Washington D.C., at Maryland sa US.
Inilakip din ni Trillanes ang travel order na pinirmahan ni Senate President Vicente Sotto III.
Matatandaang nagpalabas si Makati RTC Branch 150 Judge Elmo Alameda ng hold departure order laban kay Trillanes kaugnay ng kasong rebelyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.