Maymay malalim ang hugot sa fried chicken; pinapaaral ang mga pinsan | Bandera

Maymay malalim ang hugot sa fried chicken; pinapaaral ang mga pinsan

- November 21, 2018 - 12:05 AM


ALAM ng Kapamilya young actress na si Maymay Entrata kung paano gagastusin nang tama ang mga kinikita niya ngayon sa pag-aartista.

Aminado ang dalaga na may pagkakuripot siya, gumagastos lang siya kung talagang kailangan dahil ang priority niya ngayon ay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Sa nakaraang mediacon at launching ng bago niyang endorsement, ang Megan Peel-Off Mask, naikuwento niya kung paano siya nagse-save para sa kanyang future pati na rin sa kinabukasan ng kanyang pamilya.

“Mas importante po kasi talaga sa akin na magse-save ako dahil darating yung araw pag kailangan namin may magagamit pa kami. Kuripot po kasi ako, dahil nga sa dami ng pamilya namin kailangan talaga hinay-hinay lang (sa gastos).

“Dapat mas i-budget ko talaga kung ano yung kailangan lang,” paliwanag ng ka-loveteam ni Edward Barber.

Hirit pa ni Maymay, “Sa ngayon sinasabi ko po sa kanila, habang hindi pa kami masyadong nakakaluwag, yung needs lang namin yung dapat naming unahin at dapat naming bilhin. Hindi yung pati wants lang.

“Kasi pinapaaral ko pa yung mga cousins ko kaya kailangan talaga naming magtipid,” ayon pa sa Pinoy Big Brother Season 7 Big Winner.

Dagdag pa ni Maymay, “Ang priority ko po ngayon ay yung bahay sa probinsya namin kasi need naman po yon, di ba? Tapos nandu’n din po sila lahat.”

“Pangarap ko rin po talaga yon dahil yung mama ko po talaga naging breadwinner sa lahat. Imbes na kami lang dapat ng kuya ko yung sinusuportahan pero mas pinili din po niyang suportahan yung lolo’t lola ko, yung mga cousins ko kasi iniwan din sila.

“Yung mama ko po nag-OFW siya sa Japan, isinakripisyo niya talaga na mapalayo sa amin para lang matustusan yung kailangan namin don sa probinsya. Kaya ngayon, sinabi ko sa sarili ko na ako naman (ang tutulong) at masaya ako.

“Saka po, though nahihirapan ako, kasi biglaan sa akin yung malaking responsibilidad, pero ngayon, ang pinakaimportante ay masaya ako dahil iba yung feeling, iba yung happiness kapag ikaw yung nakapag-angat ng pamilya mo,” pahayag pa ng dalaga.

Nang matanong naman ng ating colleague na si Leo Bukas kung ano na ang mga nabili niya para sa kanyang sarili, “Meron din naman po akong binili. Pero siguro mga dalawang beses lang. Bumili ako ng magagandang damit. Yung mga gusto kong damit na hindi ko nabibili dati. Pero hindi naman po yon luho. Kailangan ko rin po yon sa trabaho.

“Pero madalas po talagang tiis-tiis po. Kasi ang importante nga sa akin ay yung kailangan namin,” sey ni Maymay.

Bukod dito, naikuwento rin ng dalaga ang hugot niya sa fried chicken. Aniya, hindi sila masyadong nakakakain ng fried chicken noon dahil wala silang pambili pero mula nang maging artista siya ay madalas na nila itong kainin.

“Nakakain na namin yung gusto naming kainin like yung fried chicken kasi pang-birthday lang naman yon sa amin dati. Tapos ngayon, natutuwa ako dahil halos araw-araw na silang kumakain noon. Nu’ng una pong nakakabili na kami ng chicken, araw-araw yon ang kinakain namin talaga,” kuwento pa ni Maymay.

q q q

Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Maymay kay Vice Ganda dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa kanyang career pati na rin sa ka-loveteam niyang si Edward.

Bukod kasi sa pagkuha sa kanya ng Unkabogable Star bilang brand ambassador ng Vice Cosmetics, together with Kisses Delavin, isinama pa sila sa 2018 Metro Manila Film Festival entry nitong “Fantastica”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aside from these projects, muling mapanood ang MayWard loveteam sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Honey My Love So Sweet.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending