Kim Domingo ‘pulutan’ ng mga barako sa Bubble Gang

KIM DOMINGO
IBA talaga ang beauty ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo. Nominado lang naman ang dalaga sa The 100 Most Beautiful Faces of 2018.
Hindi lang ganda ang puhunan ni Kim dahil dapat ding abangan ang kanyang mga inihandang pasabog sa telemovie special ng Bubble Gang na ipalalabas na sa Nov. 23. Siya ang favorite pulutan ng mga barako sa Kapuso gag show.
Bukod pa riyan, hindi na kailangang maghintay ng mga fans ni Kim na mapanood siya sa big screen dahil malapit na siyang su-mabak sa aktingan kasama ang ilang kapwa-Kapuso stars.
In fairness, isa talaga sa mga inaabangan ng mga kalalakihan at katomboyan sa Bubble Gang ay ang segment na “Patikim Ni Kim” kung saan nagtuturo ng iba’t ibang putahe si Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.