Robin pumalag sa pagtanggal ng ‘Filipino’ sa college: ‘Nagluluksa ngayon ang Katipunan’
ISA si Robin Padilla sa pumalag sa pagtanggal sa Filipino bilang subject sa college.
Mahaba ang kanyang aria sa kanyang Instagram account.
“Kung ito ay magaganap dito na magkakawatak watak ang mga Anak ng Inangbayan! Noong panahon ni Nanay Cory (Aquino) ang naging biktima ng kanyang Rebolusyon ay ang wikang espanol natin ng 300 daan na taon at pinalitan ng wikang Inglis!
“Ngayon sa panahon ng Rebolusyon ni Tatay Digong ay sarili na nating wika. Iniisip ko tuloy ang mga nabasa kong mga liham at mga sulat ng mga Ilustrado at Katipunero patungkol sa mga ganitong pamamaraan ng mga dayuhang mananakop.
“Hinuhubog tayo para intindihin ang mga dayuhan pupunta sa ating bansa para mas lalo natin silang maintindihan sa kanilang magiging pamamaraan lalo sa kanilang mga iuutos sa atin. Ito ay matanda ng istilo ng Tyrants!
“Ipagkait ang kultura, tradisyon at wika ng mga lokal upang makalimutan nila kung sino sila para mas madaling maimpluwensiyahan ng kanilang ibig na isaksak sa ating mga utak at pag uugali pati ang itsura nila at kulay ng kanilang balat!
“Ako ay solid sa Duterte Administration pero sa araw na ito ang Katipunan ay NAGLULUKSA! Ako ay mula sa lahi ng mga Lakan ng Tondo, Ako ay hubog kay Lapu Lapu at ang aking hinihinga ay hangin mula sa kalayaang inihandog sa akin ng Katipunan.
“Kailanman hindi ako magiging alipin ng kahit na sinong dayuhan sa sarili kong Bayan. Hinding hindi mangyayari na tutulugan ito. Ang PILIPINAS ay para sa PILIPINO! Wika ko! Kultura ko! Tradisyon ko!
Hindi ako pabrika ng mga alipin na inihahanda para iexport sa mayayaman na bansa! at ang mga lokal sa Inangbayan ay maging mangmang kung sino sya.
“Ang ating watawat ay nasa kalahati lamang ng kanyang pagwagayway sapagkat ang namatay sa oras na ito ay ang ating sariling wika. Ang sariling atin.”
Mabuhay ka, Robin!!!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.