Horoscope, November 17, 2018 | Bandera

Horoscope, November 17, 2018

Madam Sophia |November 17,2018
facebook
share this

Horoscope, November 17, 2018

Madam Sophia - November 17, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ipagpatuloy ang kasalukuyang proyekto. Sa darating na Disyembre malaking halaga ng salapi ang makakamit. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming pera, wag kalilimutan ang pangako sa iyong kasuyo. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Tandaang walang kabuluhan ang pagiging sikat kung lagi ka namang walang pera. Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasikatan. Sa pag-ibig, paligayahin ng husto ang kasuyo sa pamamagitan ng salapi at romansa. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Isang Capricorn ang makakatulong upang ma-solve ang problema. Sa pag-ibig, bubuhayin ang iyong libido ng isang Scorpio masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Panatiliin ang ugaling pagiging mabait. Sa pinansyal at pag-ibig habang tumutulong sa kapwa, lalo namang sasagana at mas magiging maligaya. Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Wag hawahan ng hina ng loob ang kasuyo. Lalo lang siyang maduduwag. Ikaw ang magsimula ng initiative upang kapwa kayo umunlad at lumigaya. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Black at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Upang lalong tumatatag ang relasyon laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang mag dasal at hilingin sa Diyos na yumaman na ng mayamang-mayaman. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Upang hindi ka kainggitan, iwasan ang labis na kadaldalan. Sa pinansyal, hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kung ang iba ay nagsisikap upang umunlad at sumagana, ang sa iyo ay kakaiba. Kahit hindi ka magsikap at magsipag, basta’t magpaganda ka lang, bubuhos na agad sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buneas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Upang pumasok ang suwerte, panatiliing bukas ang bintana sa gawing silangan ng inyong bahay. Sa bukas na bintana, papasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tatha-Om-Sakra.” Blue at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Upang maiwasan ang anomang uri ng karamdaman, kumain sa tamang oras at wag magpapakagutom. Sa pinansyal at pag-ibig, nangangati na naman ang iyong paa at kamay upang mag-shopping. Sa pagsha-shopping, iwanan muna ang kasuyo sa bahay, upang walang kontra ng kontra habang namimili. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Tumira ka sa malapit sa nature, upang umunlad ang kabuhayan at humaba pang lalo ang iyong buhay. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa – pagpasok nya ng pintuan halikan mo agad. “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Green at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Hindi dapat takasan ang obligasyon sa pamilya dahil sa bandang huli ang mga kapamilya mo rin ang tutulong sa iyo upang maabsuwelto sa mga problema. Sa pag-ibig, hindi mo matatakasan ang isang Libra, mananatili siyang bahagi ng buhay mo. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Panahon na upang salubungin ang bagong araw ng may ngiti at galak sa iyong puso. Sa ganyang paraan, ngingiti rin ang pag-unlad. Sa pag-ibig, ngitian ang masungit na kasuyo upang maibsan ang kanyang sama ng loob at gumaang ang kanyang mga pasanin sa buhay. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Dosya-Om.” Green at magenta ang buenas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending