Rhian, JM na-enjoy ang 'casual sex' sa 'Kung Paano Siya Nawala' | Bandera

Rhian, JM na-enjoy ang ‘casual sex’ sa ‘Kung Paano Siya Nawala’

Reggee Bonoan |November 15,2018
facebook
share this

Rhian, JM na-enjoy ang ‘casual sex’ sa ‘Kung Paano Siya Nawala’

Reggee Bonoan - November 15, 2018 - 12:10 AM


SAYANG at wala si JM de Guzman sa special preview ng pelikula nila ni Rhian Ramos na “Kung Paano Siya Nawala” na ginanap sa Cinema 76, sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Narinig sana niya ang mga papuri ng mga member ng entertainment media na nanood at nasabing ang galing nila ni Rhian at maganda ang pagkakabuo sa pelikula ng kanilang direktor na si Joel Ruiz.

Kasalukuyang nasa Boracay si JM para sa shooting ng pelikula nila ni Arci Muñoz na may tentative title na “Last Fool Show” mula sa direksyon ni Eduardo Roy.

Gustuhin mang lumuwas ng aktor ay hindi puwede dahil marami pa silang eksenang kukunan ni Arci, pero ngayong gabi sa block screening ng pelikula nila sa Vertis North, EDSA ay darating daw ang binata.

Bagama’t uso na sa mga pelikula na kaswal na pinag-uusapan ang sex ay nagugulat pa rin kami lalo’t todo itong nabibigyan ng mahabang oras pero maayos naman ang pagkakagawa nito at kailangan talagang isama istorya.

Ganu’n din naman kasi sa totoong buhay, normal lang talaga sa magkarelasyon ang kuwentuhan tungkol sa sex, kung nasa-satisfy ba sila at nag-eenjoy sa kanilang partner.

Wala itong ipinagkaiba sa mga linya nina JM at Rhian sa “Kung Paano Siya Nawala” dahil pagkatapos nilang mag-sex (hindi pa sila magsyota) ay napag-usapan nila kung masarap ba at kung magkakaroon pa ng round 2.

Nabanggit kasi ni Rhian na, “Hindi ako easy” matapos silang mag-love making kahit kakikilala pa lang sila. At dahil compatible naman sila sa isa’t isa kaya ginawa na nilang pormal ang kanilang relasyon.

Ipinakilala pa ni JM si Rhian sa mga kaibigan at sa kanyang pamilya.

Napakanatural din ng eksenang tinatanggalan ni Rhian si JM ng pimple sa likod habang nakadapa, at natandaan naming may reel and real loveteam kaming nasaksihan na ganito rin ang ginagawa.

At dahil naikuwento ni JM ang sakit niya kay Rhian na hindi makatanda ng mukha ng tao, mas lalo niyang minahal ang binata hanggang sa naging sentro na ito ng kanyang buhay.

In fairness, mahal din naman ni Rhian si JM pero may mga bagay siyang hindi sinasabi sa karelasyon lalo na pagdating sa past relationships niya at kung ano ang iba pang ginagawa niya sa buhay.

Hanggang sa nalaman ito ni JM sa mismong taong naging bahagi ng buhay ni Rhian na hindi muna inamin noong una ng dalaga kaya ang ending nag-away sila na isa lang sa naging problema nila.

Ang hindi na nagustuhan ni JM ay sa tuwing nasasangkot siya sa gulo at pinag-uusapan siya ng tao na may kakaibang ugali ay naiirita si Rhian kaya talagang ibinabandera niya na may face blindness ang boyfriend.

Hangga’t maaari kasi ay ayaw ni JM na malaman ng marami ang sakit niya para hindi siya kaawaan. Dito na magsisimula ang lagi nilang pag-aaway hanggang sa maging kumplikado na ang kanilang pagsasama.

Maganda ang kuwento, relatable ito sa mga magkakarelasyon lalo na sa may mga dyowang may kapareho ng sakit ni JM.

Nagbukas na nitong Miyerkules sa mga sinehan ang “Kung Paano Siya Nawala” mula sa TBA Studios. Kasama rin sa pelikula sina Agot Isidro at Ricky Davao.

Tama nga si JM, nakaka-relate siya sa titulo ng pelikula nila dahil nga for a while ay nawala rin siya sa showbiz dahil nagkaroon ng personal na problema, kabilang na ang pagkalulong niya noon sa illegal drugs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming aral na mapupulot ang mga manonood sa bagong handog ng TBA Studios, lalo na ‘yung mga kabataan na problemado sa kanilang mga lovelife at bigla na lang made-depress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending