Direktor ng serye ni Coco lumipat sa Cain At Abel nina Dingdong at Dennis | Bandera

Direktor ng serye ni Coco lumipat sa Cain At Abel nina Dingdong at Dennis

|November 15,2018
facebook
share this

Direktor ng serye ni Coco lumipat sa Cain At Abel nina Dingdong at Dennis

- November 15, 2018 - 12:15 AM


IKINAGULAT ng entertainment media ang pagdating ng direktor na si Toto Natividad sa grand media launch ng bagong primetime series ng GMA 7 na Cain At Abel na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Alam kasi ng lahat na isa si Direk Toto sa mga direktor ng seryeng Ang Probinsyano ni Coco Martin sa ABS-CBN kaya nagtaka ang lahat ng nasa presscon nang tawagin siya para umakyat sa stage.

Sa ipinakitang VTR ng Cain At Abel, guest director ang pagpapakilala sa kanya pero mukhang magtutuluy-tuloy na ito dahil balitang pumirma na siya ng release contract sa ABS-CBN.

Sa panayam kay Direk Toto, nagpaalam naman siya ng maayos sa produksyon at pinayagan naman siya na lumipat muna sa Kapuso network. Sey ng direktor, nais lang niyang i-share sa GMA ang kanyang talent at gusto rin niyang makatrabaho sina Dingdong at Dennis.

Kilala si Toto Natividad sa paggawa ng mga action films at talagang namaster na niya ang mga pasabog na action scenes. Ang iba pang direktor ng Cain At Abel ay sina Mark Reyes at Don Michael Perez.

Ayon kay Dennis, maswerte sila dahil napasama sa kanilang proyekto si Direk Toto dahil alam nilang marami itong magagawa para mas mapaganda ang Cain At Abel na magsisimula na sa darating na Lunes, Nov. 19 sa GMA Telebabad, na siyang papalit sa Victor Magtanggol.

“Alam naming marami siyang maio-offer para sa napakalaking project na ito at napatunayan ko ‘yan nu’ng makatrabaho ko na siya,” ani Dennis.

Inamin naman ng Kapuso Drama King na matindi rin ang pressure na nararamdaman nila ngayong malapit nang magsimula ang Cain At Abel, “Siyempre, pressured kami dahil yung kalaban namin, e, talagang matagal nang nakapuwesto. Tatlong taon na at solid yung ratings niya. Pero noon, hindi pa namin alam na doon kami itatapat.

“But just the same, ginagawa pa rin namin lahat para makapagbugay ng isa na namang quality show na hindi man malalagpasan ‘yun, e, dumikit man lang, sana,” sabi pa ni Dennis.

Makakasama rin sa Cain At Abel sina Solenn Heussaff (leading lady ni Dingdong), Sanya Lopez (partner ni Dennis), Carlo Gonzales, Boy 2 Quizon, Pauline Mendoza, Shyr Valdez, Leandro Baldemor, Eddie Gutierrez, Dina Bonnevie, Chanda Romero, Ervic Vijandre, Renz Fernandez at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending