Ang sweet: Abueva naghubad, ibinigay kay Vice ang pawisang jersey | Bandera

Ang sweet: Abueva naghubad, ibinigay kay Vice ang pawisang jersey

|November 12,2018
facebook
share this

Ang sweet: Abueva naghubad, ibinigay kay Vice ang pawisang jersey

- November 12, 2018 - 12:05 AM

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

KINILIG ang mga basketball fans sa eksena nina Vice Ganda at Calvin Abueva pagkatapos ng bakbakan sa court ng Meralco Bolts at Phoenix Fuel Masters sa 2018 PBA Governors’ Cup.

Tinalo ng Meralco ang Phoenix sa mainitang labanan na ginanap sa Araneta Coliseum. Isa si Vice sa mga kilalang celebrity na nanood ng game para suportahan ang rumored boyfriend niyang si Calvin Abueva.

Inasahan na ng mga PBA fanatics na manonood si Vice sa Meralco-Phoenix match pero ikinagulat nila ang sumunod na eksena nang lapitan ng TV host-comedian ang astig na cager matapos ang game.

Nagyakap ang dalawa at nagbeso sa harap ng libu-libong tao sa Big Dome. Ngunit ang mas lalong ikinakilig ng supporters ni Abueva at fans ni Vice ay nang hubarin ng PBA player ang kanyang jersey at ibigay sa Unkabogable Star.

Sa kanyang Instagram account, ipinost agad ni Vice ang nasabing jersey na may caption na, “Mabango ang pawis ng beast!”

Bago ito, nag-tweet muna si Vice ng mensahe para kay Abueva pagkatapos ng PBA game, aniya, “You’re the BEAST! And for me you’re the BEST!”

Pareho nang idinenay nina Abueva at Vice na magdyowa sila, close lang daw talaga sila ngayon kaya ganu’n sila ka-sweet. Pero sa kabila nito, mas marami pa rin ang naniniwala na matagal nang may relasyon ang dalawa at ayaw lang umamin in public.

“Honestly, hindi ko dyowa si Calvin. Hindi ko siya dyowa kasi para sabihin mong dyowa mo, iyong boyfriend kita tapos dyowa mo ako, hindi kami ganoon, eh,” sey ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending