Rico Puno pinagtatrabaho kahit naka-oxygen, sinamantala ng mga mukhang pera | Bandera

Rico Puno pinagtatrabaho kahit naka-oxygen, sinamantala ng mga mukhang pera

Cristy Fermin |November 12,2018
facebook
share this

Rico Puno pinagtatrabaho kahit naka-oxygen, sinamantala ng mga mukhang pera

Cristy Fermin - November 12, 2018 - 12:20 AM

RICO J PUNO

ISINOLI na ni Rico J. Puno ang hiram niyang buhay. Mas maganda na ang kanyang kinaroroonan ngayon dahil ang ating paniniwala ay wala nang gutom, walang problema at wala na tayong nararamdamang anumang sakit kapag kinuha na tayo ni Lord.

Pero kung ilang buwan lang ay hindi pa rin hihinto ang mga kuwentong-Rico J. Marami siyang naapektuhang buhay, naging malapit siya sa kanyang mga kasamahang musikero, minahal din siya ng ating mga kababayan dahil sa mga awiting ipinamana niya sa atin.

Kuwento ng isang source na nakakuwentuhan namin, “Hindi niya na-enjoy ang pinaghirapan niya. Hindi naging maganda ang mga huling araw niya. Kung iisipin mo, Rico J. Puno na siya, di ba?

“Nu’ng nakakaramdam na siya ng panghihina, dapat, e, nagpahinga na lang siya. Pero hindi, kinailangan pa rin niyang magtrabaho, kesehodang naka-oxygen na siya sa backstage.

“Nakakalungkot lang, may mga taong nagsamantala sa pagiging Rico J. Puno niya. Instead na pagpahi-ngahin na siya, pera-pera pa rin ang pinahalagahan ng mga taong ‘yun! Nakakalungkot,” sinserong kuwento ng aming source.

‘Yun ang matinding sentimyento ngayon ng mga iniwan ng Total Entertainer. May mga hinanap sila na hindi nila makita. At wala na nga siguro silang mahahanap pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending