Maine wala nang paki kung magalit ang AlDub fans, basta enjoy kay Arjo
UNLIKE their warring Montagut and Capulet families in Shakespeare’s “Romeo And Juliet,” in the seething, much-vaunted romance between Arjo Atayde and Maine Mendoza ay ang mga tagahanga ng huli (still in support of the AlDub loveteam) ang nag-aaway-away.
Minus the “suicide element,” animo’y gusto ng ilang mga fans na i-salvage sina Arjo at Maine dahil sa kanilang umano’y pagtataksil sa kanilang respective partners: si Arjo sa kanyang nobya, si Maine kay Alden Richards.
Sa panig ni Arjo, sinabing ginagamit lang niya si Maine. “Malandi” naman ang tawag kay Maine.
“Gamitan” as a perceived practice prevalent in showbiz ay hindi na bago. But who’s using who?
Kung si Arjo kasi ang gamitero, saan naman niya pakikinabangan si Maine? Career-wise, Arjo is an established actor, marami pang acting awards which only prove he’s not in the so-so category.
At paano ring naging malandi si Maine na kailanma’y hindi naman naging dyowa ni Alden?
Inaakusahang two-timer si Arjo. May dyowa na’t lahat, nakukuha pang mag-date ng ibang babae.
Arjo’s dating Maine actually negates his “taken” status. If it’s true that he already has a girlfriend, tanga ba si Arjo para ikompromiso ang kanyang relasyon? We doubt if the actor has one.
Mismong ang kapatid na rin ni Arjo, si Ria, seems both accepting and approving of her brother’s fascination toward Maine. Dahil isang miyembro na ng pamilya ang nagsasalita, it should put to rest Arjo’s infidelity issue.
Ano naman kasi ang masama (o malaswa) kung magkaroon nga ng relasyon sina Arjo at Maine? Just because they belong to warring networks, hindi ‘yon dapat maging hadlang if they want to hit it off as magd-yowa.
At ngayon pa ba naman maba-bother si Maine sa kung ano ang maaaring idulot nito sa kanyang career?
At the height of the AlDub fame, her open letter was enough proof she couldn’t care less. Ngayon pa kaya?
Kung babalikan natin ang mga rebelasyon ni Maine sa liham niyang ‘yon, all she appreciated about life was its simplicity. Oo’t abut-abot ang kanyang pasasalamat sa natamong tagumpay, but it was so overwhelming beyond her expectations.
Little din Maine realize she had a price to pay kapalit ng stupendous success na ‘yon. And she resented it.
Mula nga noon ay wala na siyang pakialam even if she saw her career slowly dwindle. Bumaklas siya sa AlDub loveteam, and she began enjoying the time of her life sa mga kung sinu-sinong nali-link sa kanya.
May Sef Cadayona, may Jake Ejercito, may Juancho Trivino. And here comes another.
The bashings wouldn’t stop. Pero habang bina-bash si Maine, it only gives her the license to enjoy life as she should at manigas kayo sa inggit.
Like Ria, we’ll also advise Arjo and Maine to simply enjoy each other’s company.
q q q
As provided by law, meron pang hanggang Nov. 29 para sa substitution ng mga kandidato who earlier filed their COCs para sa susunod na eleksiyon.
Isa sa mga inaabangan ay ang nagbabadyang malaking sorpresang ikakagulat ng mga taga-Quezon City.
Balita kasing si Chuck Mathay (ama ni Ara Mina) na tatakbong mayor at ka-tandem ni Councilor Roderick Paulate will chicken out of the race.
Over in Pasay City, excitement grips its residents dahil balitang meron din daw magaganap na substitution. “Repositioning” nga ang agenda ng mga tumatakbo base sa kanilang pamumulso at tsansa (or lack of it).
Like a multi-vitamin brand, their plans are from A to Z.
Good luck!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.