Horoscope, November 12, 2018 | Bandera

Horoscope, November 12, 2018

Madam Sophia |November 12,2018
facebook
share this

Horoscope, November 12, 2018

Madam Sophia - November 12, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag maniwala sa sinasabi ng iba! Sa mga bagay na pagkakaperahan, ikaw ang dapat mauna. Sa pag-ibig, sa pagiging lista at adelentado habang buhay kang liligaya. Mapalad ang 4, 16, 26, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kashta-Om.” Gold at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sinasabing ang mga Aries ay likas na mayabang kaya lagi silang may nakaka-away. Iwasan ang pagyayabang at bawasan ang pride. Magpakumbaba lagi upang tuloy-tuloy na lumigaya at umunlad. Mapalad ang 3, 9, 13, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Credo-Ut-Intelligam-Om.” Pink at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Masustansyang pagkain at makulay na kapaligiran ang magbibigay ng suwerte. Ang mga bagay na yan ang magpapalakas ng libido at enerhiya upang mas madaling masagap ang magandang kapalaran at ang ligaya. Mapalad ang 3, 6, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Deve-Om.” Red at violet ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sipag at talino ang sikreto ng ligaya. Ibuhos ang lahat ng lakas upang kumita ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, kung inuunawa mong lagi ang sitwasyon mas magiging payapa ang isipan, mas mapapamahal sa iyong lalo ang isang Libra. Mapalad ang 5, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bis vivit qui bene vivit.” Gray at pink ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Maiibsan ang problema dahil sa isang kasama na tatangap ng malaking halaga maaangihan ka nya. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyong, “Magtipid-tipid ka naman upang umunlad ang ating buhay!” Mapalad ang 1, 19, 28, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Nahmeh-Aum.” Orange at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Huwag intindihin ang mga naninira at umiintriga sa iyo, ang mas mahalaga, ituloy mo lang ang iyong ginagawa dahil unti-unti ka ng umuunlad. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagiging makulit ng kasuyong Aries. Mapalad ang 3, 18, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Gold at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Wag munang bilangin ang itlog hanggang hindi napipisa. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kita. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo, dahil ikaw din naman ay maraming pagkukulang sa kanya. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama!” Purple at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Iwasang makipag-landian, may babala ng pagtataksil. Manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Sa panansiyal, dagdag na gastos lang ang pagpasok sa isang relasyong illegal at immoral. Mapalad ang 6, 9, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Haribol-Aum.” Pink at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Unti-unti mo ng natatanggap ang mapait na nakaraan! Magpakalango sa tagumpay, i-blow-out ang sarili. Sa pag-ibig, wag mo kayang intindihin yong mga taong hindi naman sa iyo nagmamahal. Mapalad ang 4, 15, 22, 35, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om.” Red at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong pook mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Virgo kung pansamantalang maglalayo muna kayo ng landas. Mapalad ang 2, 10, 29, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” Lilac at blue ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Dasal at pagtulong sa kapwa ang susi upang lumigaya. Ngayong panahong nalalapit na ang kapaskuhan, magsakripsiyo at mag-donate sa mga charitable institution. Kapag nagawa mo yan, mas madali ka ng uunlad at liligaya. Mapalad ang 2, 8, 23, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Per-Aspeta-Om.” Green at brown ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — May malaking halaga ng salapi na darating. Wag ipagmayabang ang hawak na pera, upang hindi ka mautangan. Itabi ang hawak na pera upang ngayon palang mapaghandaan mo na ang kapaskuhan. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Paikot-ikot lang ang kapalaran. Kung namumrobema sa pera, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Sagittarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kubera-Aum-Regama.” Red at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending