Ana Ramsey pumalag sa bashers: Gusto lang natin magtrabaho

Ana Ramsey pumalag sa bashers: Gusto lang natin magtrabaho

Therese Arceo - May 19, 2024 - 07:12 AM

Ana Ramsey pumalag sa bashers: Gusto lang natin magtrabaho

TULUYAN nang nagsalita ang TV host at singer na si Ana Ramsey ukol sa mga pambabatikos na natatanggap niya mula sa madlang pipol.

Maingay ngayon ang pangalan ng dalaga matapos ang naging anunsyo na isa siya sa mga makakasama ni Willie Revillame bilang co-host sa muling pagbabalik telebisyon ng TV host-comedian.

Bukod kay Ana, magiging parte rin ng show ang social media influencer na si Queenay Mercardo at dating beauty queen na si Inday Fatima Kate Bisan.

Marami nga sa mga netizens ang nagulat at hindi makapaniwala na umalis sa poder ng Kapamilya network at paglipat sa ibang istasyon.

Baka Bet Mo: Mga co-hosts ni Willie Revillame ipinakilala na, Ana Ramsey babu na sa ‘Showtime’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Para sa mga ginsi aware, isa si Ana sa mga hosts ng extended online program ng “It’s Showtime” na “Showtime Online U”.

Marami ang nalungkot habang ang iba naman ay hindi napigilang kwestyunin ang pag-alis nito sa dating programa.

Kaya naman nagsalita na rin si Ana para depensahan ang sarili sa mga hindi magagandang comments ng madlang pipol.

Sa kanyang X (dating Twitter) sy ibinahagi niya ang kanyang saloobin.

“At the end of the day ang gusto lang naman natin ay mag trabaho, makapag provide para sa pamilya, matupad ang mga pangarap, makapag pasaya at mag silbing inspirasyon,” saad ni Ana.

Giit pa niya, “Bakit hindi ka na lang maging masaya para sa taong nagsusumikap?”

Mababasa naman ang reply ng kanyang dating kasamahan sa online show na si AC Soriano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I love youuuuuu! Go go go lang at huwag lingunin ang mga pangit!” saad bi AC.

Noong Biyernes, May 10, nagpaalam na si Ana sa lahat ng madlang pipol na sumubaybay sa kanila.

“Maraming salamat po sa mahigit limang taon ng kulitan at tawanan, Madlang Onliners! Sana ay samahan at suportahan ninyo pa rin ako sa panibagong kabanata ng aking paglalakbay. Your Trendy Diva, signing off!” sey ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending